Importante nga ba ang marunong lumangoy?
Ang sagot ay oo, importante ang marunong lumangoy.
Isa sa paboritong gawin nating mga Pinoy kapag summer vacation o kapag may long weekend ay ang mag-swimming. Ang karaniwang destinasyon ay sa pool o sa dagat. Masayang lumangoy, sa mainit na tubig katulad ng sa “hot springs,” sa maalon katulad ng sa dagat o kaya naman sa mabatong ilog. Hindi naman masasabing nakapag-swimming talaga kapag palakad-lakad lang ang gagawin sa gilid ng pool o kung saan humahampas ang alon di ba?
Ikaw na hindi marunong lumangoy ay maaaring magkaroon ng pakiramdam of being left-out kapag ang mga kasama ay masayang naglalaro sa tubig samantalang ikaw ay nasa tabi lang dahil hindi ka marunong lumangoy.
Ikaw na hindi marunong lumangoy, sasama ka ba kung napagdesisyunan ng mga kasama na mag-snorkelling? O kaya sasakay ka ba sa bangka papunta sa iba pang isla? Sasama ka ba kung magkayayaan na maglaro ng water sports? Paano mo mai-enjoy ang surfing, kayaking, canoeing, at whale-watching kung may takot at pangamba na maaaring malunod dahil sa kawalan ng abilidad sa paglangoy at ito ay isang dahilan upang hindi mai-enjoy ang bakasyong katulad nito.