Masinop.
Ang salitang masinop ang napaka-flexible at maaaring gamitin sa iba’t-ibang konteksto.
Mahirap mag-volunteer sa gawaing pag-impake ng mga relief goods, dahil sa ganitong gawain, gaya ng nakikita ko sa telebisyon, wala kang choice sa kondisyon at wala ka din bayad. Ngunit nung kaming mga mommy bloggers, sina Jane, Chats, Cookie, Salen at ako ay nagpasiya na sumama sa pag-impake ng mga school supplies mula sa National Bookstore mula sa Megatent (malapit sa DepEd sa Pasig), hindi naman pala gaano kahirap.
Marahil dahil ito ay bukas sa aming puso. Marahil dahil kung kami ay magkakasama, kami ay likas na masayahin at palatawa kaya nakaka-gaan sa trabaho.
Anyway…
Ang pagiging masinop ay aking ilalarawan sa aming ginawang pagtulong sa pag-impake ng mga school supplies para sa mga batang apektado ng dalawang delubyong dumaan sa ating bansa.
Ayan, mga notebook, papel, lapis at bolpen na ilalagay sa mga plastik. Kelangan masinop ang paglagay para hindi nakikita ang presyo ng notebook sa likod nito at dapat nakaayos din ang tali ng notebook para di masunog kapag sinelyuhan na ang mga ito.
Kelangan din masinop ang sistema upang mapadali ang pagtrabaho, tipong nasa assembly line.
Sa susunod na linggo, kelangan pa din nila ng volunteers ulit para sa pag-impake ng mga gamit na may kasamang mga bag.
Punta lang kayo sa Megatent, malapit sa DepEd sa Pasig, NBS Foundation people will be at Megatent from Tues-Fri next week, 3pm to 12MN.