Warning: this is a long post. Please, please do not skip to the end part. Thank you.
Masarap maging bata: naglalaro, simple lang ang buhay, libre ang mangarap at masaya.
Childhood is one of the best times: playing, simple life, imagination is free and wild and being happy is a constant.
Eto si Tisoy, masayang naglalaro sa binaligtad na kayak, binabalanse, animo ay nakasakay sa surfing board, at dinadala ng malalakas na alon. Sa may kalayuan ay isa ring bata, ang anim na taong gulang na si JAG, nagsasagwan sa kayak na kulay rosas.
That is Tisoy, a foreigner happily playing on an upside down kayak, balancing himself, pretending to be riding on a surf board on strong sea waves. Further down the beach is six year old JAG, rowing on a pink kayak.
Naku! Umulan na, itabi na ang mga kayak at iba pang kagamitan para sa water sports. Tamang-tama, kasi mag-aalas kwatro na ng hapon, magmemeryenda muna ang mga bata. Pero teka muna, me mga dumadating!
Oh my! The rains are here, gather all the kayaks and other water sports equipments. Good thing that its almost four o’clock, time for the kids to have their snacks. But wait, there is a boat coming to shore!
Sino sila? Saan sila nanggaling? Saan sila sumilong noong napakalakas ng ulan? Bakit ganito ang hitsura nila? Ay, hindi lang pala siya, bukod sa mga kasamang matatandang naglalako ng mga kwintas gawa sa mga batong galing sa dagat, me mga kasama pa silang ibang bata.
Who are they? Where did they come from? Where they did find shelter when the rains were here, out there in the open sea? Oh, its not just him, that boy, because aside from the male adults selling accessories made of stones from the sea, there are also other children in the boat. Here they are:
Nasaan ang tatsulok? Hindi, hindi yung dulo ng bangka nila ang tatsulok. Ang tatsulok ay ang kalagayan ng mga Pilipino. Ang mga mayayaman ang nasa tuktok, kakaunti at mahirap abutin. Ang nasa baba ng tatsulok ay ang mga milyung-milyong Pilipino na naghihikahos, gumagawa ng kahit na anong paraan upang mairaos lamang ang kanilang pamilya sa gutom. Nakakapanlumong tignan ang kalagayan nila hindi ba?
Where is the triangle? No, not the triangular shape at the end of the boat. The triangle is a symbol of life and living conditions of the Filipinos. The rich are at the small pointed part of the triangle, for they are very few and they seemed to have put themselves on a pedestal, unreachable by the masses. The base part of the triangle is represented by the poor and the very poor, the masses, millions and millions of them. They work hard (most of them do), they would do anything, however dangerous or compromising, just to be able to feed their families and ease the hunger pains they have.
~o0o~
Oo, toxic ang mga topic ko
Narito ang iba pang mga kalahok sa Litratong Pinoy.
Here are the other entries in the Litratong Pinoy.







66 Responses
April 10th, 2008 at 12:37 am
Oo nga tama ka. Sila ang mga nasa itaas, mga politiko (to be exact)…mahirap abutin. Mahirap at mas pahirap na kalagayan ng mga simpleng pilipino. Nakakalungkot at nakakapanglumo. Hay sana…dalangin ko na magbago ang kalagayan ng ating bansa…
April 10th, 2008 at 12:57 am
naubusan ako ng tagalog sa sasabihin ko sa haba ng post heheh…
dito lang sa mundong ibabaw ang mayroong pagpapangkat ngunit sa harapan ng Poon lahat tayo ay pantay -pantay.
galing ng akda mo teacher julie!
April 10th, 2008 at 1:33 am
hinanap ko din ang tatsulok, ah yung sa dulo ng bangka, ay hindi pala ayon sayo. Pero totoo ang mga sinabi mo
April 10th, 2008 at 6:39 am
Tunay na kakaiba ang iyong pag-atake ng tema ngayong linggo - animo’y isang makabuluhang komentaryo ukol sa nakalulungos na kalagayan sa lipunan ng inang bayan… napakalungkot mang isipin pero totoo.
Salamat sa iyong mapang-gising na lahok! Mabuhay ka!
April 10th, 2008 at 7:49 am
malalim ang lahok mo ngayon.
masakit man marinig o mabasa pero totoo ang mga sinulat mo. 
April 10th, 2008 at 7:53 am
magandang araw ng huwebes…
April 10th, 2008 at 8:13 am
Napakaganda ng mga larawan mo Julie at ang iyong mga sinabi’y may katotohanan. Nasaling ang damdamin ko sa iyong tinuran. Salamat sa pagbahagi.
April 10th, 2008 at 8:14 am
pasensiya na, nagkamali ako sa paglagay ng URL ko diyan…nandito ang tatsulok ko. Salamat uli
April 10th, 2008 at 9:35 am
kakaibang tatsulok. nakakabagbag damdamin..
April 10th, 2008 at 9:50 am
Isang makabuluhang bahagi ito bukod sa karamihan ng lumahok. Ang aking pakiwari ay ang duluhan ng mga bangka ang tatsulok, mali pala ang aking akala. Ang galing ng ideya mo.
Mabuhay ka kaibigan!
ambothology.com
April 10th, 2008 at 2:59 pm
napakalungkot ngunit totoo. sana naman balang araw ay maiahon din ang kalagayan ng marami nating kababayan na naghihirap.
April 10th, 2008 at 3:29 pm
napaka-ganda ng iyong pagpaliwanag… tunay ngang maraming paraan ng pagtingin sa temang tatsulok at isa na rito ay ang kalagayan ng mga pilipino…
magandang huwebes sa’yo!
April 10th, 2008 at 4:30 pm
wow! kakaiba ang tatsulok mo. nag-isip tuloy ako hahaha!!!
April 10th, 2008 at 5:07 pm
Hi Julie - alam mo pati ako napatanong habang binabasa ang mga naunang paragraphs — asan ang tatsulok? Pero ng humantong ako sa ibaba, napa-sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Makabulahan at swak na swak sa paglalarawan ng sitwasyon di lang sa ating bansa, kundi pati na rin dito sa Cambodia.
Ngapala, more than 500 steps ang inakyat ko upang marating ang lugar kung saan ko kinunan ang litrato. Happy Thursday!
April 10th, 2008 at 6:08 pm
hebigat! pero kelangan talaga tanggapin ang katotohanan ng lipunan. maraming salamat sa pagbahagi mo!
April 10th, 2008 at 7:32 pm
pareho tayo ng entrada ngayon, bangka. bilib ako at nagagawan mo talaga siya ng kwento. maligayang huwebes sayo kapatid
April 10th, 2008 at 10:07 pm
Titser Julie! Ang ganda ng post mo. Ang ganda ng pagkakalahad mo.
April 10th, 2008 at 11:14 pm
[…] is what a tatsulok’s meaningĀ for me: Sulyap sa Tatsulok sa Pilipinas my second entry in the Litratong Pinoy Photomeme every Thursday. I hope you can drop by andĀ read […]
April 11th, 2008 at 12:26 am
DI ako kasali pero napansin ko na maganding and interpretasyon mo sa tema.
April 11th, 2008 at 12:44 am
Ang galing ng tatsulok mo, kahit hindi ko nakita ay damang-dama ko ang kwento mo. Malalim! Maligayang Huwebes!
April 11th, 2008 at 3:49 am
Malalim ang interpretasyon mo pero totoo yon. Ang nakakalungkot yong mahihirap ang nakararami.
April 11th, 2008 at 3:56 am
julie, napakalalim at seryoso nga talaga ng iyong isinulat. gusto ko na tuloy iligpit ang aking laruan pizza at toblerone.
nakakalungkot nga ang kalagayan ng maraming pilipino. hindi naman sila talaga nabibigyan ng kaukulang tulong at karaniwa’y nagagamit lang para marating ng mga pulitiko ang kanilang mga ambisyon. sana ay makita ko pa na ang bansa nati’y maunland at may mga mamamayang hindi na naghihirap.
April 11th, 2008 at 5:11 am
Isang napakabuluhan na pananaw sa totoong kwento ng buhay. Hindi lang basta tatsulok na agad-agad na makikita sa litrato, kailangan mo talagang imulat hindi lang ang iyong mga mata kundi na rin ang iyong isipan at puso upang maintindihan talaga na sa mga oras na ito: ilang milyong tao sa Pilipinas ang nagugutom samantalang isa rin ako sa mga taong nakakakain na nga ng tatlong beses sa isang araw, ngunit mahilig pa rin magreklamo. ;(
April 11th, 2008 at 6:37 am
that is a lovely post. how i wish there’s something our government can do about this, sigh…
April 11th, 2008 at 7:47 am
naalala ko ung song ni bamboo!! sobrang tama ang eksplanasyon mo.
maligayang biyernes!
April 11th, 2008 at 2:53 pm
isa na namang entry na makabagbag-damdamin! napakainam na ipinaparating ang ating mga opinyon sa pamamagitan ng litrato
mabuhay ka!
April 11th, 2008 at 2:58 pm
tama ka. it is one sad truth in our society.
April 11th, 2008 at 3:44 pm
mam Julie, salamat sa interpretasyon mo ng tatsulok.
Nakakalungkot pero katotohanan ito. Pero hindi lamang ito nangyayari sa bansa natin kaya’t isipin na lang natin kung gaano kalaki ang bilang ng naghihirap? Ahhhh, sana buhay pa tayo at abutin natin na umayos ang mundo.
maligayang pagtatapos ng linggo!
April 11th, 2008 at 4:53 pm
isang malalim, makabuluhan at napapanahong interpretasyon nang iyong tatsulok, julie! mabuhay ka.
ang aking lahok ay sinubukan ko ring bigyan-kabuluhan. maari mo rin itong bisitahin. salamat!
April 11th, 2008 at 10:29 pm
hi julie - thanks for pointing this out. andami kong nakilalang mga taong bangka nung asa dive solana kami, at dahil sa awa ko din at sa tulak ng mga anak ko - andami kong nabili sa kanila na ginawa kong pasalubong dito sa alemanya. ang alam ko mga galing sa mindanao - karamihan mga badjao, na dinadala ng alon sa kanilang maliit na bangka, sa kung saan-saan para lang kumita. at oo, sa maliit na bangka, yan din ang kanilang tahanan.
April 12th, 2008 at 4:00 pm
hmmm… a triangular metaphor. baligtarin kaya natin ang tatsulok, yung mayayaman naman ang mas marami. o baka bumaligtad din ang buong tatsulok at mawalan ng balanse. hmmm… interesting analogy
April 13th, 2008 at 2:06 pm
Oo nga ano. Napaisip tuloy ako.. marami ngang ibig sabihin ang tatsulok, isa na rito ang pagpapakita ng antas ng tao. Ang galing.
April 15th, 2008 at 2:29 am
gusto ko yung sinabi ni mousey, pagdating sa harapan ni Lord pantay-pantay tayong lahat na huhusgahan, hindi sa kayamanan na natamo natin dito sa lupa kundi sa nagawa nating kabutihan sa ating kapwa.
isang makabuluhang linggo ng LP sa ating lahat
MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok
April 16th, 2008 at 11:06 pm
Salamat, Jeanny. Totoo, napakahirap ng kalagayan nating mga Pilipino.
April 16th, 2008 at 11:08 pm
Totoo yan, Mousey. Sabi nga ng nanay ko dati noong ako ay bata pa, bakit daw ako mahihiya sa ibang tao, pare-pareho daw mabaho ang ating mga utot
April 16th, 2008 at 11:09 pm
Salamat, Girlie, mahirap hanapin ang tatsulok na ito, lalo na kung hindi natin nakikita at nararamdaman ang kalagayan ng mga nakakarami. Salamat.
April 16th, 2008 at 11:23 pm
Pinky, oo, makakalungkot nga ngunit totoo. Ayaw ko mang isipin ang mga bagay-bagay na ito pero hindi ko maalis sa aking isipan. Maraming salamat
April 16th, 2008 at 11:27 pm
Tin, totoo yan, masakit ang katotohanan. Ewan ko ba, bakit naiisip ko ang mga pangyayaring ito.
April 16th, 2008 at 11:29 pm
Nona, nasasaktan tayo para sa mga kababayan natin. Napapakanghina, lalo na sa panahon ngayon ng krisis. Hanggang kelan kaya kaya magtiis ng mga Pilipino?
April 16th, 2008 at 11:33 pm
Oo, Rose, ganyan talaga, masakit man isipin, pero yan ang katotohanan.
April 16th, 2008 at 11:35 pm
Salamat, Ambo. Mabuti na lang at di na nanalasa bilang isang bagyo
Joke.
April 16th, 2008 at 11:37 pm
Clicking Away, sana nga mahango sila sa kahirapan. Pero sa takbo ng pangyayari ngayon, mukhang malabo na yan. Pero siyempre,sabi nga natin, habang me buhay me pag-asa. Kaya lang pano mabubuhayan ng pag-asa kung lahat ng bilihin at mahal. Hay, nakakapagod isipin. Salamat sa dalaw.
April 16th, 2008 at 11:40 pm
Salamat, Lidie. Tama ka,iba’t ibang interpretasyon, mula sa iba’t ibang pananaw. Ewan ko ba bakit, kelangan kong gawing “toxic” itong photo meme na lahok ko.
April 16th, 2008 at 11:41 pm
Alpha, salamat. Kahit paano, naisusulat ang tunay na kalagayn ng marami sa ating mga kababayan.
April 16th, 2008 at 11:43 pm
ZJ, hindi lang naman sa Pilipinas ang kahulugan ng tatsulok na yan. Sa krisis ng buong mundo,baka yan na ang maging basehan ng pagkaka-”distribute” ng kayamanan at kalagayn sa napakaraming bansa. Salamat
April 16th, 2008 at 11:45 pm
Salamat, Kaje. Toxic nga ang topic ko, wala lang, parang mas masaya ako magsulat ng ganito kasi pati ako ay nakapagninilay-nilay sa mga bagay-bagay sa ating lipunan.
April 16th, 2008 at 11:47 pm
Salamat, BlueP. Na-inspire lang ako kaya ko nagawan ng kwento pero ang mga ito ay hindi talaga kwento kasi mga totoong pangyayaring naikwento ko lang. ANg mga larawan ay nakunan sa loob ng isang araw lamang
April 16th, 2008 at 11:48 pm
Maraming salamat Lynn. Praktis yan ng pagiging manunulat ko dati sa salitang Filipino. Huwag na nating pag-usapan kung kelan ako nagsulat dati ng ganito
April 16th, 2008 at 11:49 pm
Salamat, Rachel. Ginanahang magsulat
April 16th, 2008 at 11:55 pm
Salamat Bu-ge. Ang mga bagay-bagay na ito ay madalas hindi kelangang makita dahil siguro sa nakasanayan na na ito ang nakikita o kaya naman hindi talaga nakikita. Malabo na yata. Basta ganun
April 16th, 2008 at 11:57 pm
Totoo Nina. Marami na sila, lalong pang dumadamikaya along naghihirap. Sa panahon pa naman na lahat ng bilihin ay mataas, paano na sila? Hay, nakakapagod isipin.
April 16th, 2008 at 11:59 pm
Weng, totoo ang sinabimo. Kaya dapat talaga maturuan sila ng mga paraan para maging masigasig at hindi dependent sa tulong ng iba. AT maturuan ng family planning para hindi dumami ang mga bilang ng mga hirap sa buhay. Parang taliwas yata ito sa entry ko.
April 17th, 2008 at 12:02 am
Grey, salamat. Totoo, hindi kelangang nakikita ang mga simbolo ng ilang bagay-bagay, lalo na ang mga may kurot sa puso. Ang ibig kolang ay makapagpalaganap ng konting kuro-kuro at kaisipan. Salamat.
April 17th, 2008 at 12:04 am
Sana nga, Nell, may magawa ang ating gobyerno,lalo na ngayong may kakulangan sa pagkain.
April 17th, 2008 at 12:07 am
Oo, Lizeth, naging inspirasyon ko ang awiting ito na ilang taon ko nang paborito (me tape pa nga ako, oo, tape), ito ay kantang sinulat ng grupong Buklod ni Noel Cabangon. Ang kay Bamboo ay ginaya o nirevive lamang na bersyon. Salamat
April 17th, 2008 at 12:14 am
Salamat, Dyes. Pakiramdam ko parang gumagawa ako ng editoryal
April 17th, 2008 at 12:18 am
Oo, iRonnie, sad but true. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng bilyong-bilyong nanakaw sa kaban ng bayan,napakaraming nagugutom.
April 17th, 2008 at 12:54 am
Thess, salamat sa pagdalaw,kahit almkong napakarami ng mga sumali dito sa LP. Totoo yan, napakarami ng mahihirap sa buong mundo. Hindi man natin kayang tulungan lahat sila, sa pamamagitan ng pagsusulat tungkol sa ganitong usapan,marami ang nakakaalam at sana’y makatulong ang iba.
April 17th, 2008 at 1:04 am
Dragon Lady, salamat. Mainam ding nakapagsusulat ng may kamalayan sa kalagayan ng ating lipunan.
April 17th, 2008 at 1:14 am
Nakakaawa Raq, no? Marahil hindi magandang makita na dala nila ang kanilang mga anak na maaaring maganib. Ngunit sa kabila nito, ayaw din naman siguro nilang mawalay sa kanila kaya ganun. Mahirap talaga ang buhay.
April 17th, 2008 at 1:19 am
KK, tila mahirap na bumaligtad ang tatsulok, sa hirap ng buhay ngayon, di lamang sa ating bansa bagkus sa ibang mas mayayama at mauunlad na bansa. Tama ka, babaligtad kapag binaligtad ang tatsulok. Salamat sa palaisipan
April 17th, 2008 at 1:24 am
Oo, Cathy, ganun nga, isa ang antas ng pamumuhay sa puwedeng interpretasyon ng tatsulok. Maaaring nakakalungkot isipin itong kalagayang ito ngunit ito ang katotohanan. Salamat.
April 17th, 2008 at 1:27 am
Totoo yan
Hay, ano ba yan…
April 17th, 2008 at 9:52 pm
[…] or four corners. I had a fun time doing this and didn’t make much of an effort unlike my Tatsulok entry last week. My colorful Parisukat entry is here, with a wrong […]
April 21st, 2008 at 7:42 am
this a touching post. sadly, i would have to agree with your point. i wish it’s not that way here though.
April 27th, 2008 at 10:42 pm
Totoo yan Cess, kakalungkot ano? Ang tatsulok naman ay hindi lang sa Pilipinas nakikita, sigurado lahat ng bansa, ganyan ang kalagayan. Tingnan mo ang Amerika, naghihirap ngayon (teka, gulong yata yun, hehe).
Siguro, nasa tao kung paano nila ginagawan ng paraan na makapamuhay ng marangal. Pero isa ding isyu yan na mahirap sagutin.
Salamat.
Leave a Comment