Litratong Pinoy : Malungkot

litratongpinoy2.gif

Malungkot. Ngayon ay Mayo Uno, Araw ng Paggawa. Sad. Bleak. Depressing. Today is May One,Labor Day.

Sa loob ng mga magagara at maliliwanag na mga gusaling iyan, naririyan ang mga mangagawa. May mga sumasahod ng mas mataas sa minimum. May magagarang damit, celfone at sapatos. Mangilan-ngilan ay may kotse. Masayahin. Ngunit tunay kayang sila ay masaya? May ngiti pa bang mamumutawi sa kanilang mga labi sa taas ng presyo ng mga bilihin, bayarin sa kuryente, tubig, gasolina at pamasahe at ang trapikong araw-araw ay kanilang kinakaharap? May ngiti pa bang makikita sa mga mata ng mga taong ginagawang araw ang gabi at gabi ang araw, upang sumagot sa mga reklamo ng mga tao sa telepono? Oo, karamihan sa mga diyan sa mga gusaling iyan, nandiyan sa gabi para magtrabaho, nabubuhay sa kape at nikotina. Yan ang dahilan kung bakit marami pang ilaw sa mga gusaling iyan.

Inside those grand and brightly lit buildings are employees. Most of them probably earn a little above the minimum wage. They have nice clothes, nice cellphones and nice shoes. Some even have cars. They are happy. Or are they really happy? Would a smile still play on their lips especially now that the prices of food, electricity bill, water bill, gasoline, public transport fares are so steep? Not to mention the monstrous traffic they have to endure, going to work and coming home when they workday is done. Can they still smile, these people who make the nights their days and the days their nights, just so they can answer complaints and queries on the telephone from irate customers? Yes, most of those who work in those buildings work at night until the wee hours, energized by caffeine and nicotine. Why do you think the buildings are still so bright even if its obviously late?

img_2578b.jpg

Malungkot ang kalagayan hindi lang ng mga manggagawang Pilipino, kundi pati ang kalahatang kundisyon ng bansa.

It is a sad plight not just for the Filipino worker, but for the overall condition of the country.

But still…

Anuman ang gawain, mataas man ang tungkulin o tila isang abang manggagawa, dapat ito ay ginagawa ng tama at may karangalan.

Whatever kind of work, whether in a top rank or in a lowly position, work should be done correctly, rightly, and with dignity.

Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!

P.S. Sige na nga, masaya na tayo kasi walang pasok. Pero ako me turo pa rin, ok lang yun sa akin, huling hirit ko. Iiwan ako ng 4 na studyante, pupuntang New York ang isang pares nang magkapatid at magba-Bahama cruise naman ang isa pang pares na magkapatid. Ako ang malungkot. Konti lang ang kita ko ngayong Mayo 🙁

41 Responses to Litratong Pinoy : Malungkot

  1. Pingback: teacherjulie.com » May 1 is Labor Day in the Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *