Pag-asa. Isang katangiang positibo ang pananaw na may pag-asa, sa kabila ng mga balakid sa buhay at mga problemang tila ba sumusubok kung gaano katatag ang isang tao o ang isang bansa sa harap ng mga pagsubok.
Sabi nga sa isang Facebook page ng kandidatong aking ibinoto at pinaniwalaang makatutulong sa ating bansa, “He gave us hope but we missed the flight.”
Isa ako sa milyung-milyong Pilipinong umasa ng malinis na eleksiyon.
Isa ako sa umaasa na mas gaganda ang buhay ng pamilya ko (at ng lahat ng pamilyang Pilipino), hindi lamang dahil ako ay nagsisikap na mapabuti ito kundi dahil mayroon mga namumuno na may magandang hangarin para sa bansang ito.
Maaaring bugbog na nga ang ating bansa sa mga nananamantala ng kanyang mga yaman, natural na yaman man o inutang sa ibang bansa, ako ay may natitirang konting pag-asa sa aking puso na panghahawakan kung sakaling mananatili pa ding tila madilim ang daang tatahakin. Sabi nga ng mga matatanda, “pasasaan din at lilipas din ang unos” patungkol sa mga dagok ng buhay.
Naniniwala ka ba na may pag-asa pa para sa ating bansa?
Pag-asa na siyang dapat paniniwalaan dahil ito ang nagbibigay babala kung may bagyo o wala. Joke… 😀
5 Responses to May Pag-asa Pa Ba?