Tag Archives: bukirin

Tuyot na Tag-Init

Tuyo, dry.

Ang summer o tag-araw ay panahon ng tagtuyo. Ang tagtuyo ay ramdam hindi lamang sa pagkawala o kakulangan ng tubig sa ating mga tahanan.

Ito ay nakikita sa tuyong kabukiran na dapat sana ay pangunahing pinagkukunan ng pagkain. Dahil sa pagkatuyot, karamihan ng mga bukirin ay tila ba mga walang silbing nakatiwangwang na lupain animo inabuso at inubusan ng lakas.

zambales

Hindi lang ang ating mga bukirin ang dumaranas ng tagtuyo. Lalo na ang ating mga kabundukan, tila ba ang mga ito ay dumaan sa napakaraming abuso at wala ng buhay at luntiang kulay na maibigay.

Ang pondong para sana sa irigasyon o patubig ay hindi umaabot para sa mga dapat makinabang nito.

Dumaan ang napakaraming bagyong nagdulot ng pagbaba at pagguho ng lupa na ikinasawi ng libo-libo nating mga kababayan.

Sayang na buhay, sila ay walang kalaban-laban sa hagupit at lupit ng kalamidad na dapat sana ay naiwasan kung hindi sa kasakiman ng ilang mga indibidwal.

Ang bundok ay kalbo, ang maitim na bahagi ay hindi mga puno kundi anino ng ulap sa nasa langit. Ang bukirin ay walang tanim dahil walang senyales na meron patubig dito.