Tag Archives: reality

Sulyap sa Tatsulok sa Pilipinas

Warning: this is a long post. Please, please do not skip to the end part. Thank you.

Masarap maging bata: naglalaro, simple lang ang buhay, libre ang mangarap at masaya.
Childhood is one of the best times: playing, simple life, imagination is free and wild and being happy is a constant.

img_1745b.jpg

Eto si Tisoy, masayang naglalaro sa binaligtad na kayak, binabalanse, animo ay nakasakay sa surfing board, at dinadala ng malalakas na alon. Sa may kalayuan ay isa ring bata, ang anim na taong gulang na si JAG, nagsasagwan sa kayak na kulay rosas.

That is Tisoy, a foreigner happily playing on an upside down kayak, balancing himself, pretending to be riding on a surf board on strong sea waves. Further down the beach is six year old JAG, rowing on a pink kayak.

img_1788b.jpg

Naku! Umulan na, itabi na ang mga kayak at iba pang kagamitan para sa water sports. Tamang-tama, kasi mag-aalas kwatro na ng hapon, magmemeryenda muna ang mga bata. Pero teka muna, me mga dumadating!

Oh my! The rains are here, gather all the kayaks and other water sports equipments. Good thing that its almost four o’clock, time for the kids to have their snacks. But wait, there is a boat coming to shore!

img_1810b.jpg

Sino sila? Saan sila nanggaling? Saan sila sumilong noong napakalakas ng ulan? Bakit ganito ang hitsura nila? Ay, hindi lang pala siya, bukod sa mga kasamang matatandang naglalako ng mga kwintas gawa sa mga batong galing sa dagat, me mga kasama pa silang ibang bata.

Who are they? Where did they come from? Where they did find shelter when the rains were here, out there in the open sea? Oh, its not just him, that boy, because aside from the male adults selling accessories made of stones from the sea, there are also other children in the boat. Here they are:

img_1809b.jpg

Nasaan ang tatsulok? Hindi, hindi yung dulo ng bangka nila ang tatsulok. Ang tatsulok ay ang kalagayan ng mga Pilipino. Ang mga mayayaman ang nasa tuktok, kakaunti at mahirap abutin. Ang nasa baba ng tatsulok ay ang mga milyung-milyong Pilipino na naghihikahos, gumagawa ng kahit na anong paraan upang mairaos lamang ang kanilang pamilya sa gutom. Nakakapanlumong tignan ang kalagayan nila hindi ba?

Where is the triangle? No, not the triangular shape at the end of the boat. The triangle is a symbol of life and living conditions of the Filipinos. The rich are at the small pointed part of the triangle, for they are very few and they seemed to have put themselves on a pedestal, unreachable by the masses. The base part of the triangle is represented by the poor and the very poor, the masses, millions and millions of them. They work hard (most of them do), they would do anything, however dangerous or compromising, just to be able to feed their families and ease the hunger pains they have.

~o0o~

Oo, toxic ang mga topic ko 😀 Narito ang iba pang mga kalahok sa Litratong Pinoy.

Here are the other entries in the Litratong Pinoy.

PBA09708s592