Tag Archives: repleksiyon sa Mahal na Araw

Pagninilay-nilay sa Mahal na Araw

Araw ngayon ng Huwebes, o Maundy Thursday dahil Holy Week.

Alam mo ba na importante pala ang Maundy Thursday dahil ito ang araw ng paglilinis, pagninilay-nilay at pag-reflect sa estado ng ating buhay. Hindi nga ba ang araw na ito ay ginugunita ng mga Katoliko sa  pamamagitan ng paghuhugas ng mga pari sa mga paa ng lay people? Ito ay kagaya ng ginawa noon ni Hesus sa kanyang mga alagad. Ito na patunay na ang pagpapakumbaba at pagsilbi ay parte ng pagiging Diyos ni Hesus.

Sa ating pamumuhay, kailan ba tayo nagsisilbi nang walang hinihintay na kapalit? Kailan ba tayo nagpakumbaba ng kusa? Kailangan pa ba ang matinding dagok sa buhay upang gawin natin yun?

Senakulo

Bukas, ating gugunitain ang pagkamatay ni Hesus sa krus upang maligtas tayo sa ating mga kasalanan. Tayo na ang nagkasala pero Siya pa ang nagsakripisyo?

Saan ka bukas? Ano ang gagawin mo?