Pag-iisang Dibdib
Ang pag-iisang dibdib ay hindi biro. Sa gastos pa lang, baka magdalawang isip na ang mga ikakasal. Nakapokus ang mga taong ikakasal sa kanilang mga kailangang ihanda at gawin para sa kanilang pag-iisang dibdib.
Getting married is not a laughing matter. Just considering the expenses would make the would-be couple think twice. The couple who will soon tie the knot are focused on the things they have to prepare for their wedding ceremony.
Handa na ba ang mga bulaklak?
Are the bouquet of flowers ready?

Napili na ba ang simbahan?
Has the church been chosen?
Pero sa kabila ng lahat, ang dapat na pinaghahandaan ay ang pagsasama bilang mag-asawa. Ang pinagtutuunan ng pansin ay ang buhay bilang mag-asawa at hindi ang seremonyas. Ang pagiging mag-asawa at hindi ang kasal ang dapat pinaghahandaan.
But through it all, focus should be given on the relationship as husband and wife. What should be given more attention is the life being a married couple, not the wedding ceremony itself. It is the marriage, not the wedding that should be given the most preparation.

Oo nga pala, si Julian yung batang naglalakad, matapos niyang ibigay ang mga singsing sa altar nang siya ay mag-ring bearer.
That is Julian, walking towards the camera, after he has given the rings at the altar when he was chosen to be a ring bearer.
Here are the other entries for Pag-iisang Dibdib.
52 comments greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, Photos, blogging101, social consciousness, thoughts
52 Responses to “Pag-iisang Dibdib”


tama ka, talagang malaki laking preparasyon ang kailangan pag ikakasal. pero kaya din mas gusto ko ng intimate wedding ay hindi lang dahil sa gastos pero dahil na rin kapag mashadong malaki ang wedding ay parang nawawala ang saysay ng pag-iisang dibdib.
magandang huwebes sayo!
i couldn’t agree with you more…
Naalala ko tuloy bigla si Judai. Yan din ang prinsipyo nya. Mas importante ang habang buhay kaysa sa araw ng kasal.
tama nga naman, ang importante ang sisimulang buhay bilang mag asawa ang dapat paghandaan ng tondo.
tama nga naman, ang importante ang sisimulang buhay bilang mag asawa ang dapat paghandaan ng todo.
magandang paalala para sa lahat… lalo na sa mga nagbabalak na
happy lp!
pareho tayo ng isinulat tungkol sa tema.
happy huwebes sa iyo!
agree ako sa lahat ng sabi mo. mahirap ang mag asawa pero masaya…hindi ba?
Happy thurs
palamuti lang ang magarbong kasal sa habang-buhay na pagsasama ng matiwasay
ay sus! sinabi mo pa! napakarami talgang intindihin at gasots…pero sulit naman sa bandang huli…
Sang ayon ako…
At tamang tama ang kwento ng preparasyon at mismong kasal sa mga litrato.
naku, naalala ko ang aking kasal sa mga tanong mong iyan.. ha ha.. ang sarap balikan ang araw na iyon.. parang ang bilis lang dumaan..
happy thursday!
Sang-ayon ako sa mensahe mo, Julie! Madalas kasi, sobrang pinagtutuunan ng panahon at pansin ang kasal at parang nalilimutan na ang mas pangmatagalan na pagsasama bilang mag-asawa…
Happy Huwebes sa iyo!
Siguro dapat hindi talaga maging madali magpakasal para hindi bara-bara ang mga nag-iibigang puso, hehehe. Hmmm, matagal pa naman bago ako ikasal:)
ang daming kailangan asikasuhin, ano? hehe!
magandang huwebes sa’yo!
di ako nakatikim ng church wedding pero tama ang lahat ng iyong sinabi.
ang gaganda ng mga kuha
magandang huwebes po
totoo yan…hindi naman importante ang magkaroon ng bonggang kasalan…sabi nga ng magulang ko…pinapakain mo lang ang bisita…bukas nakalimutan na nila yan.
teka..bakit nagmamadali si Julian? hehehe
tama ang lahat ng sinabi mo…ito’y bagay na dapat pinaghahandaan.
masayang Huwebes na naman!
haaay, dahil sa entry mo, naalala ko tuloy kung gaano ka-toxic maghanda para sa kasal
at dahil na-toxic ka na ng sobra, hindi mo na tuloy maiisip na mag-back out! hehehe
Maraming ikinasal ng marangya pero nauwi naman sa hiwalayan. Siguro depende rin talaga sa pagsasama ng mag-asawa. ‘gandang araw Julie, hanggang sa muli
gusto ko na ‘purple’ ang theme ng kasal ko. sana may ‘purple tulips’ din hehehe, pero kung wala – medyo ayos lang naman.
parang hindi na rin praktikal ang masyadong magastos.
maligayang huwebes!
tama ka, julie. ang buhay may asawa nga dapat ang pinagtutuunan ng pansin.
pero mahirap na ring alisin ang bigyan ng kataku-takot na pansin ang pagpapakasal. hee hee.
hapi huwebes!
Sumpaan
Abay
tama ang sinabi mo, malaking gastos ang pagpapakasal, at lahat ng atensyon ay naka focus nalang sa isang araw, nakakalimutan na mas importante ang pag prepara sa habangbuhay na pagsasama, hindi sa iisang araw lang . maligayang huwebes!
Ay sinabi mo pa! Tunay na hindi biro ang magpakasal!
Ang aking LP ay naka post na rin:
Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.
Salamat!
Napakagandang mensahe! I hope you had a wonderful Thursday.
salamat sa comment julie.. agree ako sa yo mas dapat paghandaan ang buhay mag-asawa higit sa kasal..
ang ganda ng wedding nila. Pero hindi naman talaga importante ang kasal. Ang mas importante ang buhay mag-asawa. Kung magkakasundo kayo at masaya ang inyong pagsasama.
hi julie, i agree. mahabang preparasyon talaga ang kailangan pag ikakasal (kami ng aking asawa ay isang taon ang preparasyon, at hanggang sa huli ay may cramming pa rin na naganap, hehe). pero mas importante sa lahat, kailangan ay ang preparasyon para sa buhay may asawa. may mga ibang tao na feeling nila tipong tsaka na lang haharapin ang challenges ng marriage pag andun na sila. pero ang isang bagay na di nila nare-realize, dapat bago ka pa lang sumabak sa tahimik na buhay (as if, haha!) dapat handa ka na sa lahat ng pwedeng mangyari.
btw, ang bait naman ni julian at nagawa niya ng mabuti ang kanyang tungkulin bilang ring bearer. alam mo ba, ang ring bearer din namin nung aming kasal ay julian din ang pangalan.
uy napahaba, pasensiya na. medyo na-excite akong mag-sermon, haha!
MyMemes: LP Kasalan
MyFinds: LP Kasalan
ang ganda naman!
happy lp!
http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-pag-iisang-dibdib.html
salamat muli sa pagbisita sa aking mga lahok! talaga namang mas importante ang habang-buhay na pagsasama matapos ang araw nang kasal. alalaong baga, hindi dapat isantabi ang mga pangakong binitiwan sa harap nang tao at higit sa lahat nang Poong Maykapal.
happy huwebes sa iyo!
nice… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP…
Hi Teacher Julie,
English nalang ha, mabagal ako magtypte sa Tagalog eh.
I have nothing against the fancy wedding. It’s ok if the families are wealthy and can foot the bill. What about the average Filipino? Who wouldn’t want the big grand white Filipino wedding with all the frills. For the bride to be the princess of the day… many would go in debt to create this dream… this illusion. Sure money can be found but it is not found easily. For the average Filipino, how much is the salary?
How much would the budget be?
Then when after the party is over, the reality hits. Where do they stay?
Tignan mo ako, wala akong inimbita pero nakabili ng bahay
.
T. Julie totoo mga binitawan mong salita, ang pag-aasawa ang pinaghahandaan at hindi ang seremonyas na kasal. Kaya nga ako, kahit isang daliri na lang nakasabit sa kalendaryo, wa me paki dahil lifetime decision eh…no return-no-exchange he he
May kaibigan ang aking mister na gumastos ng kalahating milyon dahil sa gusto ng babae (german sya) ay magarbong kasalan, na ipagyabang na sya ay ikinasal..
maigsing panahon lang, hiwalay na sila….walang tunay na pag-ibig sa pagitan.
happy weekend sa iyo!
hindi biro ang pagpapakasal kaya naman kailangan paghandaan lalo na sa emosyonal na aspeto. ito ay isang sumpaan at pangako sa harap ng Diyos at taong mga mahal mo sa buhay. isa sa pinakamagandang sacramento ang kasal. isang pagpupugay sa Diyos sa biyayang ibinigay nya sa dalawang taong nagmamahalan.
Oo, iris, parang fiesta na kung napakaraming tao eh. Hindi na solemn.
Salamat, Betchay.
Totoo, sa hirap ng buhay ngayon, kelangan maging praktikal na ang mga tao.
Hay, Mousey, naghanda nga ng bongga, wala namang matirhan pagkatapos. Hindi yata magandang simulain yun.
Totoo, Teys. Bongga man ang kasal pero wala namang matitirhan, parang hindi akma.
Great minds think alike daw
Oo, mahirap ngunit masaya kaya dapat talaga pinag-iisipang mabuti ito
Totoo yan, Linnor, dapat talaga ang pinagtutuunan ng pansin ang ay buhay mag-asawa.
Sana nga, Ces, sana nga na sulit
Dapat nga mas madami pang picture kaya lang tinamad na ako maghanap sa files
Sa tagal ng preparasyon, parang hindi matandaan kung ano ang nangyari di ba?
Totoo yan, Pinky,dapat talaga ang tutok ay sa pagsasama at hindi sa seremonyas.
naalala ko tuloy yung time na ako ang nagpprepare ng wedding ko. i agree, gano man kaengrande ang kasal, pinaka importante pa rin ang buhay pagkatapos ng kasal.. happy lp!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/06/lp-10-pag-iisang-dibdib.html
ang ganda naman ng venue ng kasal. happy weekend!
Sis, kaya pala familiar ka sakin litratistang pinoy din! =D
madalas talaga bigay todo sa preparasyon, sino ba ang ayaw ng napakagandang wedding. Pero sana man lang “work within the budget” di ba? Pede naman gawing maganda ang kasalan kahit na simple lang.
isang masayang okasyon ang pag iisang dibdib… pero tama sa panahon ngayon kailangan na talagang maging praktikal.
ang pag aasawa ay hindi parang kaning isusubo na pag napaso ka pwede mo iluwa… kahit kanin ngayon di na dapat iluwa.. kasi mahal na ang bigas eh hehe
Hay grabe nakaka-stress talaga mag-arranged ng wedding at tama ka magastos
Ganda ng church.