Tatak Pilipino

litratongpinoy.gif

Ano nga ba ang Tatak Pinoy o Tatak Pilipino? Tila wala naman yata tayong sariling tatak o pagkaka-kilanlan bilang isang bansa dahil sa mga napakaraming impluwensiya natin.

What is the essence of a Filipino? It seems that we don’t have our own character as a people, as a distinct nation because we are the product of so many influences of different cultures and belief systems.

Pero sa kabila nito, dapat nating ipagmalaki ang ating mga naging ninuno, na sa kabila ng payak nilang pamumuhay, naging masigasig at malikhain sila.

Despite this, we should be proud of our Filipino ancestors, who despite their basic and simple way of living, they showed perseverance and creativity.

img_1272b.jpg

Ilang tatak Pinoy ang nakikita mo dito?

How many Filipino symbols can you find in this photo?

Kung minsan naiisip ko, parang gusto kong bumalik sa payak na pamumuhay tulad nito:

Sometimes I think about going back to the basics, like the one below:

img_1283b.jpg

Bahay kubo, simbolo ng payak na pamumuhay. Sa hirap ng buhay ngayon, minsan, naiisip ko talaga na mabuti pa nung araw, kahit payak ang pamumuhay, tila ba mas masaya ang mga tao noon. Ilan pa kaya ang natitirang bahay kubo sa dami ng mga naibentang lupa sa kawalan ng pagkukunan ng salapi?

The Nipa Hut, a symbol of basic living. With the hardships we are experiencing right now, I sometimes think about the past when needs were very basic and simple and it seemed that people were nonetheless happy. How many nipa huts are still out there because lands have been sold due to lack of money?

41 Responses to “Tatak Pilipino”

  1. Pinky on 03 Jul 2008 at 12:42 am

    Oo nga, para ngang masarap mag-”Back to Basics” paminsan-minsan…

    Kung iisipin kasi natin, ang mga bagay na nilikha upang padaliin ang ating buhay ngayon (gaya ng mga mobile phone at internet ) ay nagbibigay din ng ibang klaseng “stress” na dati-rati naman ay di man lang natin inaalintana.

  2. Dr Emer on 03 Jul 2008 at 1:53 am

    Masarap tumira sa bahay kubo. Maaliwalas at madaling linisin. Mahusay ang iyong napiling ilahok sa linggong ito.

  3. Thess on 03 Jul 2008 at 2:59 am

    Bahay kubo, kahit munti , ang halaman duon ay sari-sari…..

    Ang gand ng bahay kubo mo, T.Julie! Hindi ko na matandaan ang huling beses na nakakita ako nyan.
    Sana nga, sana nga..hindi maglaho ng tuluyan ang tatak nating Pinoy.

  4. teys on 03 Jul 2008 at 3:25 am

    ako gusto ko pa din ang bahay kubo kahit munti, teacher julie - kaso baka tangayin ng bagyo :)

    happy lp ka-homskul klasmeyt!

    http://teystirol.com/2008/07/03/lp14-tatak-pinoy/

  5. Joy on 03 Jul 2008 at 6:40 am

    Pinoy na pinoy ang lahok mo. Minsan nga’y sarap matulog sa bahay kubo. Presko eh - wag lang babagyuhin!

  6. ShutterHappyJenn on 03 Jul 2008 at 8:43 am

    Naalala ko nung bata pa kami, sa probinsiya, ang sarap matulog sa bahay kubo dahil presko, di na kailangan ng electric fan at aircon!

    Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
    Shutter Happenings.
    Sana makadaan ka rin!

  7. lino on 03 Jul 2008 at 9:02 am

    …kahit munti, ang halaman doon ay sari sari…. :) maligayang araw ng huwebes…

  8. ces on 03 Jul 2008 at 10:04 am

    singkamas at talong, sigarilyas at mani…
    dugtungan ba ito? hehe…
    saan ba ito kuha? ang daming detalye ng tatak pinoy! munti man may sarili pa ring karakter at ito ang hinahanap ng mga dayuhan!

  9. Tere {Blessings in Life} on 03 Jul 2008 at 10:14 am

    Magandang Huwebes sa iyo! Bahay kubo din sana ang lahok ko kaso nagutom ako kaya…

  10. kiwipino on 03 Jul 2008 at 10:43 am

    isa lamang ang nakikita kong masasabi kong sa pinas ko lang makikita, ito ang mga katagang nakasulat sa karatula - ang wikang pilipino. ang lahat ng iba pang asa larawan ay makikita rin sa ibang bayan sa asya.

  11. Willa on 03 Jul 2008 at 10:58 am

    i don’t mind tumira sa bahay kubo,basta huwag lang daanan ng bagyo! :)

  12. Mitch on 03 Jul 2008 at 11:01 am

    Isang nakalalasing na lahok naman ang akin > http://etcetera-atbp.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy-tatak-pinoy.html

    Cute yan ha kakaibang bahay kubo!

  13. Clicking Away on 03 Jul 2008 at 11:35 am

    Hindi ko sigurado ko kaya kong matulog diyan ng higit sa isang araw… parang ang hirap… di ba matigas ang papag? Ouch! Okay na rin pala, at least walang daga doon (sabi ng senyas).

    Ang ganda ng sungay ng kalabaw… nakakatuwa.

    Maligayang LP!

  14. strawberrygurl on 03 Jul 2008 at 12:38 pm

    hi julie. paki delete mo na lang yung una kong komento dahil nakalimutan ko ang “no follow” sa links ko :D thanks!

    hmm, type ko ang ikalawa mong litrato julie. napaka presko magpahinga sa kubo. may maliit na kubo ang parents ko sa likod ng bahay nila. nagiging laruan ng mga apo. :)

    Strawberrygurl’s LP
    Busy Mom’s LP

    sana ay makapasyal ka :)

  15. Reflexes on 03 Jul 2008 at 2:04 pm

    hi T. Julie. kakamis nga yan…presko, mahangin. tagal na akong di nakakapasok sa bahay kubo. wala na rin ang kubo namin sa probinsya :(

    salamat sa pagdalaw :)

  16. betchay on 03 Jul 2008 at 2:39 pm

    naalala ko tuloy ang munting bahay kubo sa hardin namin… pahingahan at minsan naglalaro kami ng mga palayok

  17. Em Dy on 03 Jul 2008 at 2:58 pm

    Natuwa ako dun sa karatulang tungkol sa daga. May lugar sa Malaysia kung saan may lahok ang bawat bansa. Ang lahok ng Pilipinas ay parang bahay kubo. Magandang Hwebes.

  18. mousey on 03 Jul 2008 at 3:22 pm

    onga buti pa nun simple lang ang buhay, salat man pero masaya, di komplikado na gaya ngayon mahirap mabuhay.

    heheh ang mga daga…

  19. weng on 03 Jul 2008 at 3:25 pm

    tulad ng dati, napag-isip isip mo na naman ang iyong mga bisita, julie. hee hee. kaya kong tumira sa kubo kaya lang question mark yung part na “payak”. hee hee. parang kubong rest house kasi ang naiisip ko! :d

    LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
    LP Tatak Pinoy: Mga Pagkain

  20. lidie on 03 Jul 2008 at 4:50 pm

    simple joys!
    magandang huwebes sa’yo!

  21. Cookie on 03 Jul 2008 at 6:20 pm

    di nga ba nauuso na uli ang mga makabagong disenyo ng bahay na ang pinagbasehan ay ang ating bahay kubo. kung malaki nga lang ang lote ko, gusto ko magkaroon ng munting kubo para may mapagpapahingahan (pwede ring tsismisan) sa hapon :D

  22. Pinay MegaMom on 03 Jul 2008 at 8:36 pm

    One thing really stands out for me in this photo: yung sungay ng kalabaw na may ukit! What a treasure that is!

  23. anj on 03 Jul 2008 at 11:05 pm

    astig yung sungay ng ating pambansang hayop. at aliw ang challenge mo. hehe.

    ito naman ang aking lahok. http://impulseblogging.blogspot.com/2008/07/signos.html :)

  24. Meeya on 03 Jul 2008 at 11:06 pm

    hi julie, ang masasabi ko sigurong tatak nating pinoy yung mixture or combination ng influences ng lahat ng mga sumakop sa atin. :) sa asia, tayo lang yata ang hodgepodge ang kultura, haha! :)

    ok lang sa akin tumira sa bahay kubo, basta may indoor plumbing. :D

    LP Tatak Pinoy sa MyMemes
    LP Tatak Pinoy sa MyFinds

  25. G_mirage on 04 Jul 2008 at 12:03 am

    Bahay Kubo…kahit munti! Totoong Pinoy na Pinoy ang mga litrato!!! Noon nga usong uso ang bayanihan di ba? Minsan ginagawa pa din yon sa aming lugar dahil ang tatay ko ay may negosyong bahay kubo, ung maliliit na nasa hardin, binubuhat lang sa balikat gaamit ang kawayan, at ang ganda naman talagang tingnan!

  26. korky on 04 Jul 2008 at 8:56 am

    sana nga mapreserve natin ang ating history. ang sino mang hindi lumilingon sa kanyang pinanggalingan, di makarating sa kanyang paruroonan :)

  27. ner on 04 Jul 2008 at 3:49 pm

    ako rin, pinag-isipan kong kubo ang aking lahok pero magiging ma-drama kasi ako nun hehehe. sa barrio namin dito sa pampanga, may mga nakatira pa sa kubo. natuwa nga ako nang dalawin ko iyon at ang sarap talagang mamuhay nang payak.

    maligayang paglilitrato! :)

  28. MommyBa on 04 Jul 2008 at 10:48 pm

    bigla kong naalala yung bahay kubo na movie. symbolic talaga ang bahay kubo :)

    happy weekend po!

  29. mhar on 05 Jul 2008 at 6:15 am

    napadaan lang, may bahay pa lang hindi kayang akyatin ng daga? angaling ah.

  30. napaboaniya on 05 Jul 2008 at 5:58 pm

    Despite the many influences.Philippines spell the word vibrant to me :)

  31. komski kuno on 06 Jul 2008 at 10:27 am

    Ang naaalala ko e yung tinirahan ni Jackie at Eli sa may barrio sa kung saan , hehehe:D sa maging sino ka man. Sinabi nga sa amin yun, nung fieldtrip sa banaue, yung mga bahay na nakaangat:D

    komski kuno’s last post.. Wala ka namang kasalanan, ba’t kita patatawarin?

  32. colby on 06 Jul 2008 at 9:47 pm

    naalala ko yung bahay kubo namin sa dati naming bahay sa probinsya. doon ako nagtatago pag kailangan ko ng “escape”. nakaka-miss. hehe!

    happy weekend!

  33. greenbucks on 18 Jul 2008 at 12:36 pm

    Pinky, oo nga eh, kahit ang daming gamit para mapadali ang trabaho, parang mahirap pa din gumawa at kapos sa oras. Stressful din pag walang kuryente :D

  34. greenbucks on 18 Jul 2008 at 12:38 pm

    Salamat po Doc ;)

  35. greenbucks on 18 Jul 2008 at 12:39 pm

    Sa nayong Pilipino ito Thess, kaya maganda :D

  36. greenbucks on 18 Jul 2008 at 12:40 pm

    Ahh, yun lang, madadala ito ng bagyo :)

  37. greenbucks on 18 Jul 2008 at 12:42 pm

    Yun, yung bagyo ang problema :)

  38. greenbucks on 18 Jul 2008 at 12:51 pm

    Masarap talaga sa bahay kubo, presko :)

  39. greenbucks on 18 Jul 2008 at 1:03 pm

    Ces, sa Nayong Pilipino ito sa Clark :)

  40. greenbucks on 18 Jul 2008 at 1:08 pm

    Yun lang, wag lang bumagyo :)

  41. greenbucks on 18 Jul 2008 at 1:23 pm

    Galing nila gumawa ano? Naro-roll pa nga yung Pinto yata, basta isang bahagi ng bahay kubo na yan. Sa nayong Pilipino yan kuha.

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment