Mithi
Mithi. Wish.
People say, “Be careful what you wish for”. By the way, I have written a post about the song “What Kind of World Do You Want?” that was sung by one of my favorite bands, “Five for Fighting”.
Ang sabi nga nila, “Be careful what you wish for” Nga pala, me post ako tungkol sa kanta na “What Kind of World Do You Want?” na yan ang message mula sa isa sa paboritong banda ko, ang “Five for Fighting”.
What do I wish for? Money? Fame? A new house? Better living conditions?
Ano nga ba ang mithi ko? Salapi? (kelangan magtrabahong mabuti para magkarun nito) Kasikatan? (hindi naman ako artista eh bakit kaya?) Bagong bahay? (eh binigay na sa amin itong bahay na ito kaya ok na yun) Mas maayos na pamumuhay? (sa tinging ko ok pa naman kami kaya huwag na lang muna ito)
So what do I wish for then?
Ano nga ba ang mithi ko?
That children would be able to play in a safe environment.
Sana makapaglaro ang mga bata sa ligtas na lugar, malayo sa kapahamakan.
That those needing to be put under proper care would be cared for.
Sana yung mga nangangailangan ng tulong ay matulungan.
That people will have decent places to live.
Sana may maayos na tirahan ang ibang mga tao.
______________________________________________
Alam ko, dapat hindi ko na ito pino-problema kasi dapat sagutin sila ng pamahalaan, pero kung ang mga bagay na ito ay palagi nakikita tila ba nagiging ordinaryo na lamang kaya parang wala na din tayong pakialam.
Pasensiya na sa mga litratong malabo, kinunan ko ito habang nakasakay. Malabo man ang mga larawan pero malinaw naman ang mensahe.
greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, Photos, Urban Living, social consciousness



Sana balang araw ang mga mithiing ito ay matupad.
Magandang araw.
Korek ka dyan. Malinaw ang mensahe. At sana ang mga batang tinukoy mo’y makapagaral din. Magandang Hwebes!
Hindi ko alam kung paano pero sana nga’y matupad ang mga minimithi mo, na mithiin din natin:D
OO NGA.. napaisip mo ko dun
Masdan po ang aking mithi sa lahok ko at gusto ko sang hingin ang inyong suporta, ako po ay nasa Top Momma prin! Magtatatlong araw na ako dito. Sana ay suportahan nyo ko sa pamamagitan ng pag click sa Top Momma Icon na makikita sa aking lahok at i-click muli ang litrato ng aking anak na gaya ng larawang ito na makikita sa TopMomma.com
Sa mga bumoto na at ngclick .. boto ulet.. pwede bumoto every 6 hours.. sa mga hindi pa.. please nman oh.. click lng nman eh.. Salamat at inaasahan ko po ang inyong suporta.
wish ko rin yan!
anyway, happy huwebes po sa iyo!
Napakaganda ng iyong mga mithiin sa buhay. Di lamang ito para sa iyong sarili kaya mas naging maganda ang iyong mga mithi. Sana matupad ang mga ito. Maligayng LP sa iyo!
selfless pala ang wish mo…ang mga nilista mo ay kabilang sa basic human rights na hindi nalalasap ng bawat nilalang.
ang gandang mithiin!
magang mithiin yan ate
ang ganda ng kuha nyo
lalo na yung unang litrato
nakakaantig ng puso ang iyong mithiin! sana nga… sana nga…
Hay, lahat naman ata siguro tayo nagmimithi ng ganyan.
Ang aking minimithi ay mababasa DITO.
napakaganda ng mensahe mo dito… sana nga matupad ang mga minimithi mo.
totoo ung be careful what you wish for kasi hindi natin alam kung saan nanggagaling ang pwersang nagbibigay katuparan don….mabuti pang manalangin sigurado tayong diretso sa Diyos. At siya din ang magbibigay ng kalutasan sa mga problemang yan na isinulat mo teacher Julie na hindi masolusyunan ng gobyerno…nakakabagabag sa atin na makita ang mga ito kaya isang maluwag na hininga kung maayos sana.
Happy LP!! And take care, always keep a kind heart….
Nakakaantig ng kalooban ….. Pinaalala mo sa akin ang magandang mithiin .. para sa mga nangangailangan…
Eto ang materyal na mithiin ng aking asawa… http://aussietalks.com/
tama ka. minsan feeling ko tuloy ang selfish ko dahil ang gusto ko nalang lagi ay para sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay. meron pa rin naman tayong mundong ginagalawan. thanks for sharing!
happy LP! wala man akong entry this week dahil sa kabusy-han, bisita na din ako
Ganyan din ang wish ko and more…..that the children be properly educated so they will have a better chance in life.
Yan din ang aking wish. Sana lahat ay maging patas. Walang mayaman at mahirap.
minimithi ko rin ang mga iyan. makapamuhay sana ng maayos ang lahat.
Mithi sa Munchkin Mommy
Mithi sa Mapped Memories
malinaw na malinaw, julie.
sana hindi naman manatiling mithi lang ito. sana balang araw maisakatuparan ito ng pamahalaan.
Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyFinds
totoo yan, we should be careful what we wish for. and sometimes pag nan dyan na, minsan eh it doesn’t bring that joy we are expecting. dba?
pero kong tatanungin ako what i should wish for, i’d say dumami pa ang mga mababait na tao sa mundo!
harinawa mangyari siya… pasensya na at nahuli ako…
hay…kelan kaya ano?
magkakaroon pa kaya tayo ng pamahalaan na tutugon sa mga mithi mo at ng marami nating mamayan? sana nga
ang ganda ng wish mo.. makiki-wish din ako sa yo
Napakagandang mithiin… wish ko rin yan at sana matupad…
ang ganda ng mithiin mo at lalo na ang mensaheng nakalakip nito. isa ako sa nakiki-wish na sana ay matupad.
salamat sa pagdalaw sa aking lahok.
[...] those are my the unwritten thought in my Christmas wish list. I have wishes too, for other people which can be read [...]