May Liwanag Nga Ba?

Its Thursday once again. Time for Litratong Pinoy which serves as my “weekly editorial” for this blog.

The theme for this week is LIWANAG meaning light or the absence of darkness.

I thought that this post’s title “May Liwanag Nga Ba” reflects best the global financial crunch that we are experiencing.

People are losing their jobs, their homes, and their bright futures are suddenly dimmed. The financial woes are not stopping.

People are altering their lifestyles to be able to survive with lesser resources and if possible, save some for the rainy days.

People are panicking, withdrawing their investments and bank deposits and putting these in what they think are “safe” places, away from the banks whose integrity they now doubt.

The worst is not in sight and if what the financial analysts say that this is just the beginning of a financial Armageddon, how would we know the answer to “Where do we go from here?”

I hope you have not felt that you have over-extended yourself during these times.

Huwebes na naman, araw ng Litratong Pinoy, ang aking “lingguhang editoryal” sa aking blag.

Ang tema para sa linggong ito ay Liwanag o kawalan ng kadiliman.

Naisipan kong gawin ang titulo ng aking lahok na “May Liwanag Nga Ba?” upang magnilay-nilay sa pandaigdigang krisis sa usapin ng pananalapi at pamamalakad ng kalakal.

Maraming tao ang nawawalan ng trabaho, tirahan at ang kanilang kinabukasan ay tila ba isang madilim na pangitain. Ang problemang pang-pinansiyal ay tila ba wala nang katapusan.

Ang mga tao ay nag-iba ng pamumuhay gamit ang mas kakaunting ari-arian na kung maaari sana ay makapag-ipon para sa kinabukasan.

Naguguluhan ang mga tao. Marami sa kanilang may naitatabing salapi sa bangko ay kinukuha na iyon at inilalagay sa lugar na sa kanilang paniniwala ay ligtas sa mga bangkong ito, ano’t anuman ang mangyari.

Hindi pa yata natin natatanaw ang pinakamatinding dagok. Wika nga ng mga eksperto sa pananalapi, ito ay simula pa lamang ng Armageddon ng Pananalapi. Paano natin sasagutin ang tanong na “Saan tayo patutungo?”

40 Responses to May Liwanag Nga Ba?

  1. Pingback: GreenBucks » Neighborhood Blues

  2. Pingback: teacherjulie.com » Scary

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *