Darkness is the opposite of light, it is the absence of light.
There are many interpretations for darkness.
One of the most obvious one is the darkness of the night. When night time comes, so many things happen at the same time: people rushing home from work, birds finding resting places in trees, people sitting down to eat supper, people relaxing after a hard day at work and getting ready to rest to face another day.
On the other hand, there are those who hurry to go to their work. Some keep us safe and sound as we rest.
And so we rest when darkness falls:
Ang kadiliman ay kabaligtaran ng liwanag, ito ay kawalan ng liwanag.
Maraming interpretasyon ang kadiliman.
Ang pinakamadaling isipin ay ang pagkagat ng dilim sa hapon. Sa gabi, maraming bagay-bagay ang mga nangyayari: nagmamadali ang mga tao umuwi mula sa kanilang trabaho, pati mga ibon ay naghahanap kung saan magpapahinga sa mga puno, maghahapunan na ang mga tao at pagkatapos naman nito, sila ay magpu-Plurk magre-relaks na bago matulog.
Sa kabila nito, meron namang mga tao na naghahanda upang pumunta sa kani-kanilang trabaho, kaya nga kahit gabi na, maliwanag pa din sa siyudad. Ang iba ay gising upang mapangalagaan ang ating kaligtasan (harinawa ganun nga).
___________________________________
The last quarter moon photo was taken at 5:42AM. The Union Bank Plaza photo was taken at 6:22PM.
__________________________________
May Trick or Treat kami sa TriNoma ngayon, mamaya na lang po ako dadalaw sa inyong mga entry.
Pingback: teacherjulie.com » Brightest Full Moon for 2009