Makabagong Palengke

litratongpinoy

Ang palengke. Bow.

Ilalagay ko sana ang larawan ng talipapa pero nagbago ang isip ko kaya ito na lang, isang makabagong palengke na tinatawag na “MALL”

makabagong palengke

Sa palagay ko maraming hindi na nakatutuntong sa mga maputik, madulas, mabaho at maingay na palengke ang karamihan sa atin.

Oo nga at mainam mamili sa mga aircon na pamilihan, nakakawili sa dami ng makikita, di pa mainit, maputik at mabaho.

Pero ano nga ba ang epekto nito sa mga maliliit na negosyo? Karamihan sa kanila, nagsasara na dahil lugi na. Paano naman, wala na gusto mamili sa kanila, at karamihan, doon na sa supermarket mamimili.

Akala ko noong una, sa lalawigan lang nangyayari yan. Aba, sa takbo ng mga pangyayari, bawat kanto yata meron nang tindahang “We’ve got it all for you”. So, saan  ka pa?

8 Responses to Makabagong Palengke

  1. Pingback: GreenBucks » Big vs Small Retail Stores

  2. kung sabagay, sa panahon ngayun, sa mall na namimili ang lahat, medio completo na rin kasi

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  3. mas gusto ko na rin mamili sa supermarket kasi mas convenient, konti lang naman ang diperensiya ng presyo.

  4. Fresh produce talagang mas gusto ko mamili sa mabaho, mainit at maputik na palengke ha ha!

    have a nice weekend, T. Julie!

    (btw, wala pa rin bang link para dun sa tsokolate contest?)

  5. Sang ayon ako sa iyo T. Julie, maraming maliit na negosyo ang nagsara at nalugi. Hehehe, mas gusto kong mamili sa mall na may A/C (psst….huwag maingay)

    Hapi LP!

  6. sa dami ng mahihirap dito sa atin, i’m sure marami pa rin ang namimili sa mga palengke. ang mga nagpupunta sa malls, karamihan nagpapalamig lang at namamasyal, di talaga namimili.

  7. Makabago na nga ang mga pamilihan ngayon… Nice shot, Juls!

    Heto ang entry ko:

    http://pixelbug.sassymomslife.com/?p=92

  8. Sa tutuo lang, hindi rin ako sang-ayon sa pagdagsa ng mga malls sa kung saan-saan dahil hindi ito nakakatulong sa mga maliliit na negosyo eh. Sa amin naman, ako lang ang mahilig pumunta ng malls, loyalista pa rin ang mga magulang ko sa palengke:) maligayang LP!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>