Tatawid Ka Ba?
Tatawid ka ba? Dun ka sa tamang tawiran tumawid para di ka madisgrasiya.
Marami nang mga binawian ng buhay dahil ayaw nilang umakyat sa mga foot bridge na tamang tawiran upang makapunta sa kabilang kalye. Ang iba naman, hindi pasaway tumawid pero ang mga sasakyan naman ang pasaway kaya sila ay nakakadisgrasiya.
Noong wala pa ang foot bridge na ito, nasagasaan ang kapatid ng kasambahay ng aking biyenan. Di naman siya pasaway o kaya hindi sanay dahil sa paglalagi niya sa kanyang pinagsisilbihang pamilya sa loob ng labing-apat ng taon, hindi na bago sa kanya ang lugar na ito.
Marahil, gaya nang sabi ng mga matatanda, ay oras na niya ngunit masaklap na sa ganun humantong ang kanyang pagkamatay.
Sana maging aral sa iba ang pagtawid sa tamang lugar hindi lamang sa ikaaayos ng trapiko kundi sa kanilang kaligtasan na din.
7 comments greenbucks | Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, Urban Living

at kung tutuusin, exercise pa ang pag akyat sa overpass. sanayan lang naman yan, di ba? sana matuto ang lahat sa safe habit na ito.
hay sinabi mo pa Julie! Dapat maging aral sa mga tao ang mga nasasagasaan dahil sa hindi pag gamit ng overpass tulad nito.
naku marami sa atin ang ganyan. mahilig sa short cut. mas gustong tumawid sa mga delikadong lugar eh meron namang mga tulay na safe.
nakakalungkot ang nangyari sa kanya kaya’t sana’y naging aral ito sa iba na maging maingat sa pagtatawid.
Disiplina talaga ang kailangan para hinde madehado sa kalsada. ^_^
LP~Tawid
hay naku, ang dami kong nakikita na tumatakbo sa ilalim ng footbridge, sa halip na tumawid ng ligtas sa ibabaw nito. gahol sa oras nga siguro, pero bakit ka magmamadali at itataya ang buhay mo? tsk, tsk talaga ano?
Kailangan ng ganyan dito sa PP, Teacher Julie. Kakatakot tumawid dito e, sasalubungin ka ng milyones na motorsiklo sa iba’t-ibang direksyon dagdagan pa ng humaharurot na mga kotse.