Category Archives: Litratong Pinoy

Pagmamahal

hearts

Para sa dalawang pusong nagmamahalan, hindi maiaalis ang kagustuhang magkasama ng madalas. Mayroon din namang pagkakataon na kailangang magkaroon ng “space” upang may “room for growth” na kalaunan din ay lalo magpapabuti ang relasyon at pagsasama. Hindi dahil may pinag-ayawan kundi para may maituro at may matutunan sa isa’t isa.

Huwag lang patagalin at palawakin ang space ha, 😀

Photo taken by Lucky Charms.

Pagmimina sa Pilipinas

Sa kabila ng pagsasabing “It’s more fun in the Philippines” dapat din bigyan ng pansin ang nakalulungkot na kalagayan ng ating kapiligiran bunga ng pagmimina.

Narito ang ilang mga larawang nagpapakita ng ilan lang mga lugar na mayroong pagmimina sa Pilipinas:

Surigao del Sur

Surigao del Sur

Rapu-rapu

Rapu-rapu

Benguet

Benguet

Walang watermark kasi ang mga ito ay larawan ng mga larawang kinunan ko mula sa isang diskusyon tungkol sa pagmimina sa Pilipinas, partikular sa Palawan.

Sulat-Kamay

Alam natin na ang mga bata sa elementarya sa masipag magsulat. Pruweba niyan ang kanilang mga kalyo, hehe.

sulat kamay

Narito ang braso at kamay ng aking Bunso habang nagsusulat sa isang form na ibinigay sa kanilang field trip. Yung maliit na notebook ay sinulatan din niya ng kanyang notes.

Si Bunso ang magaling magdrawing sa amin.

Mint

Mint bilang gamit sa paglilinis.

Mint

Ano nga ba ang mga katangian ng mint upang masabing ito ay gamit sa paglilinis ng ating katawan?

Sabi sa article na ito na binasa ko ang mint daw ay mainam na pang-alis ng init ng katawan, nakagagaling ng ubo at sipon, nakapag-alis ng maga mula sa mga kagat ng insekto, pati na din ang pagkasira ng tiyan dahil sa food poisoning. Bukod sa mga natatanging  katangiang ito, ang mint ay puno ng bitamina at mineral.

Nga pala, tanim ko ang mint na yan at masarap din yan sa iced tea 🙂

Malinaw na Mata

Mata ni Bunso. Malinaw, maputi at hindi pa kailangan magsuot ng salamin.

eye

Ako man, kahit malabo at hindi nakikita ang may konting kalayuan, hindi din nagsusuot ng salamin sa mata. Wala lang. Pero sa ngayon, hindi ko pa inilalayo ang cellphone pag nagbabasa ng text messages o kaya ang paperback o newspaper na binabasa ko, LOL.

Correction po: malabo ang mata ko, last ko patingin sa opthalmologist 2 years ago 2.50 ang grado ko, malamang mas mataas na ngayon especially kahit sa sinehan di ko nababasa ang subtitle, ack! Ang near sightedness ko ay ok pa din, I can still read pocketbooks normally, di kagaya nang ibang ka-edad ko, inilalayo ang cellphone para mabasa ang text, hihihi.