Tag Archives: bridges

Tulay Para sa Kaunlaran

Meron kong tulay dito at dito, ang tulay na nagdadala sa akin palapit sa tahanan ng aking mga magulang. Parehong tulay it pero magkaiba ang perspective sa pagkakakuha at interpretasyon 🙂 I have two different perspectives and interpretations of the same bridge which brings me closer to home in the two links I have made.

Ang tulay sa ibaba ay isa sa mga bagong gawang tulay. Ito ay bago, malinis pa at may nakasulat na GMA SCARES, este, CARES pala  na hindi ko na isinama sa larawan. The bridge in the photo below is an almost newly-built bridge. This is new, its clean and has GMA SCARES, errr, CARES written on it.

bridge

Bakit nga may bagong tulay dito? Hindi pa naman mukhang sira ang dating tulay, sa katunayan, ang bagsik ng Pinatubo (nandun sa cluster ng mga bundok) at mga lindol ay nakayanan nito. Hindi kasi nahukay ang mga buhangin kaya ang tubig sa ilog ay nawala at nagmukhang disyerto mula sa buhanging galing sa lahar.

Imbes na hukayin, nagtayo na lang ng bagong tulay. Galing no?

Ano nga ang sabi ng mga pulitiko?

“Kapag ako ay iboboto ninyo ipagagawa ko ang mga kalsada. Kahit walang mga ilog, magpapatayo tayo ng mga tulay!”

Yan po ang tulay ng kaunlaran.

Bow.