Tatawid ka ba? Dun ka sa tamang tawiran tumawid para di ka madisgrasiya.
Marami nang mga binawian ng buhay dahil ayaw nilang umakyat sa mga foot bridge na tamang tawiran upang makapunta sa kabilang kalye. Ang iba naman, hindi pasaway tumawid pero ang mga sasakyan naman ang pasaway kaya sila ay nakakadisgrasiya.
Noong wala pa ang foot bridge na ito, nasagasaan ang kapatid ng kasambahay ng aking biyenan. Di naman siya pasaway o kaya hindi sanay dahil sa paglalagi niya sa kanyang pinagsisilbihang pamilya sa loob ng labing-apat ng taon, hindi na bago sa kanya ang lugar na ito.
Marahil, gaya nang sabi ng mga matatanda, ay oras na niya ngunit masaklap na sa ganun humantong ang kanyang pagkamatay.
Sana maging aral sa iba ang pagtawid sa tamang lugar hindi lamang sa ikaaayos ng trapiko kundi sa kanilang kaligtasan na din.