Tag Archives: SCTEx

SCTEx

Ano nga ba ang mga hudyat ng pagbabago?

Makabagong teknolohiya?

Mga kalyeng puwede maikumpara sa international standards?

Isang lipunang may tugon sa pangangailangan ng mga tao?

Tama lahat iyan.

Eto, SCTEx, Subic-Clark-Tarlac Expressway. Bagama’t mas malayo ang biyahe kumpara sa Olongapo-Gapan road, tipong mas madali dahil walang trapik.

SCTEx

Pabor ito sa mga manlalakbay katulad namin (kahit na ito ay mas malayo at mas mahal kesa sa dating dinadaan). Katunayan, may bus na nga na dumadaan dito.

Kaya ang isang pala-isipan sa akin ang mga bayang hindi na nadadaanan.

Hindi kaya sila mahalintulad sa Route 66 na nai-feature sa Cars movie? Hmmmm…

Sino na ang bibili sa mga naglalako ng prutas, gulay, meron pang isda, alimango at suka (vinegar)? Meron pa din siguro pero nabawasan na.

SCTEx

litratongpinoy

Nasubukan nyo na ba bumiyahe sa SCTEx? Sarap dun no? Bukod sa walang trapik, maganda pa ang tanawin.

SCTEx

Dito kami dumadaan pauwi sa bahay ng mga magulang ko, kahit na mas malayo kesa sa usual na dinadaanan at may dagdag na gastos sa toll fee, ok na din siguro yun kasiwalang mga pasaway na makakasalubong 😉

Pero alam  nyo ba na itong daan na ito ay ginagamit upang gawing mantsa laban kay NoyNoy Aquino?

Basahin nyo na lang yung link at kayo na ang “humusga”.