Lila ang tema sa linggong ito para sa Litratong Pinoy. Purple/Violet is the theme for this week’s Litratong Pinoy.
Uso sa panahong me kaginawan ang gumamit ng balabal (pero sa kasong ito, parang tela lang to at hindi korteng tatsulok). Kahit nga hindi malamig, marami akong nakikitang gumagamit nito. Bakit kanyo? Kasi naka-sleeveless sila pero malaki ang braso kaya gumagamit ng pantakip. Guilty ako na malaki ang braso ko, pero hindi na lang ako mag-sleeveless na tatakpan naman. Ay ang sama ko. 😀
The “in” thing to use during cold weather is the shawl although it just looks like a piece of cloth and not exactly a shawl with the triangular shape. Even if its not very cold, I see a lot of women using this. Why? They wear sleeveless clothes but because their arms are a bit fat, they use the shawl to cover the flab. I am guilty of having such arms, so I would rather not wear sleeveless clothes only to cover my arms. Ooops, my bad! 😀
Heto si bunso, kasama si kuya, suot ang lilang balabal ni Ate. Kuha ito noong nag-celebrate ang aming homeschoolers ng United Nations’ Day. Sila ay tumitingin ng mga gamit mula sa kontinente ng Timog Amerika. Pang-isla ang suot nila kasi Oceania ang aming grupo.
That is our youngest child with her older brother, wearing the purple shawl of our eldest child. This photo was taken when the homeschoolers celebrated United Nations’ Day. They are looking at things representing South America. They are wearing “island” get-up because we belong to the Oceania group.
Maligayang Huwebes po!