Tag Archives: teknolohiya

Modernong Pagtuturo

Reading comprehension drills ang isa sa mga pinaka-importanteng objective ko sa aking pagtuturo. Hindi lang libro ang binabasa namin ng mga estudyante ko, pati mga print ads, newspaper articles at kung anu-ano (pang maisipan ko) pa. May mga pagkakataong gumagamit ako ng teknolohiya sa aking pagtuturo, tulad ng larawan sa ibaba:

reading comprehension

Ok ang teknolohiya sa pagtuturo, kung minsan nanonood kami ng short films sa YouTube tapos ina-analyze namin o kaya naman, naglalaro kami ng online games kasi interactive at talaga namang maraming matututunan ang mga bata.

Pero siyempre, iba din ang mayroong binubuklat na aklat di ba? O kaya kinukulayang larawan gamit ang krayons, hindi ang paintbrush na ginagalaw sa pamamagitan lang ng mouse.

Meron na din palang paraan para mahanap ang nawawalang latop o kaya naman para sa mga natatakot mawala ang mga laptop, pakibasa na lang dito.

Isa pang dapat malaman lalo na ng mga bata ay ang security pagdating sa teknolohiya pero siyempre, hindi ko na tatalakayin yun 🙂

Happy Huwebes at oo nga pala, Mabuhay ang ating bagong Pangulong NoyNoy! 🙂