Maalaala Mo Kaya?

“Maalaala mo kaya…? so goes a soulful song, asking the listener to look back and reflect on the promises of love that were made.

“Maalaala mo kaya, ang sumpa mo sa akin, na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw…” Ayan, awit mula sa puso, para sa isang puso, tila ba naninisi, nagpapaalala kaya dapat hindi sumusumpa ng pangako eh 😀

My photo for this week’s theme would not be about love nor about family matters because not only are these personal topics but about the nation’s history.

Ang aking larawan ay hindi tungkol sa aking pag-ibig o pamilya dahil mga personal itong usapin. Ang aking entry ay tungkol sa kasaysayan ng ating lahi.

It is funny to see people answering questions about the country’s history with wrong information. Sure, as time passes by and we become busy and preoccupied with so many things, we forget about history facts and trivia.

Nakakatawa kung minsan panoodin sa TV ang mga tinatanong tungkol sa kasaysayan natin kasi mali-mali ang sagot nila. (nangyayari ito kapag me mga selebrasyon o holiday ang ating bansa) Hindi natin sila masisisi dahil sa pagdaan ng panahon, sa dami ng dapat asikasuhin at gawin, nakakalimutan na ang tungkol sa kasaysayan ng bansa.

But for us to grow not just individually but grow as a nation, we should at least have a clear understanding of how our nation was before and what it has to go through to be what it is today. Never mind if we do not particularly like what is happening.

Pero para sa ating paglago hindi lamang bilang mamamayan kundi bilang isang bansa, dapat me alamtayo sa pinagdaanan ng atng bansa, sa kasaysayan nito na siya namang naging  daan kung ano ito ngayon.Kahit pa nga ba hindi tayo sang-ayon sa naging kinalabasan nito sa panahong kasalukuyan.

One place to visit to see is Fort Santiago because it showcases how it was a century ago when the country was under oppresion. At least, the place is a living proof of how it was before.

Isang lugar na mainam pasyalan upang muling sariwain ang alaala ng nakaraanay ang Fort Santiago dahil ito ay nagpapakita kung paano ang ating bansa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ito ay isang buhay na alaala ng ating nakaraan.

I hope we can teach the children to appreciate our past and learn from it.

Sabi nga ni JFK:

~ A nation reveals itself not only by the men it produces but also by the men it honors, the men it remembers ~

46 Responses to Maalaala Mo Kaya?

  1. Pingback: teacherjulie.com » Ruin(ed)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *