Kinagisnan.
Most Filipinos are traditional, even if we are already living in the so-called modern world. We still believe what our ancestors have believed in centuries ago.
Karamihan sa mga Pinoy ay tradisyonal, kahit na ba nasa modernong siglo na tayo ngayon. Marami pa din tayong pinaniniwalaang mga paniniwala at kaugalian namana natin sa ating mga ninuno.
Anu-ano ba ang mga ito?
- Pag”laway” sa paa o paglagay ng nilawayang sinulid sa sanggol na iyak ng iyak dahil ito ay “nausog”.
- Ang pagtitika at pagbisita iglesia tuwing Mahal na Araw.
- Ang Misa de Gallo tuwing buwan ng Disyembre at siyempre pa ang pagkain ng bibingka at puto bumbong.
- Paglagay ng ____ sa tiyan ng baby para hindi ito umiyak dahil sa colic.
- Pagsigarilyo ng mga matatandang babae ng sigarilyong kulay brown. Ano ngayon ang kakaiba dito? Yung dulong bahagi ng sigarilyo na me apoy ang nasa loob ng bibig.
- Hindi pagwalis ng bahay sa gabi.
- Hindi pagligo kapag me patay sa pamilya. Kasama na diyan kapag Biyernes Santo. Oo, me ganito.
- Pagmamano sa matatanda at pagsabi ng “po” at “opo”.
- Ang pagsabit ng kwintas ng sampagita sa altar.
- Pag-ulam sa hot dog.
- Iba’t ibang kaugaliang Pilipinong positibo o negatibo, depende sa kalagayan.
May maidadagdag ka pa ba?
Ay! Teka, nakalimutan ko ang aking larawan.
Ito ang isang kinagisnan nating masarap at hinahanap-hanap kapag ang umaga ay malamig:
Champorado.
Masarap kapag mainit, nilalagyan ng gatas at asukal. Kinakain kasama ang tuyo (pero hindi ko pa to nasubukan).
Korteng puso sana yung tulo ng gatas pero sabi ni bunso parang CHICKEN daw 😀
11 Responses to Kinagisnan