Asul ang tema sa Litratong Pinoy. Paboritong kulay ko ito, karamihan sa aking mga kamiseta ay ganito ang kulay.
The color blue is the theme for Litratong Pinoy. This is my favorite color and most of shirts are blue.
Heto ang larawan ng aking mga anak (yung dalawang naka-asul na pantalon at maliit na nakapulang kamiseta) naglalaro ng piko kasama ang kanilang mga pinsan.
Here is a photo of my children, (both in blue denim pants and the small one in red shirt) playing hopscotch with their cousins.
Ano ang konek nito sa asul? Wala yata, gusto ko lang ipakita na meron pang mga batang masayang naglalaro ng mga larong hindi kelangan ng remote o kaya buttons na pinipindot.
What’s with the blue you ask? Nothing I guess, I just wanted to show that there are still children who enjoy outdoors games and not glued to things that have remote controls and buttons to push.
Yun lang, mga batang naka-asul na naglalaro ng piko. Hehehe, inistretch talaga ang tema di ba?Para di naman seryoso lagi ang entry ko 😉
SIge na nga, heto, iba pang entries ko na ASUL ang tema: Dagat sa Zambales, isa pang larawan ng dagat at Rainy Day blues.
Pingback: Treasure Jar » Backyard Games
Pingback: teacherjulie.com » Backyard Games
Pingback: GreenBucks » Outdoor Games