Winter Cafe, sa loob nga lang ng mall.
Ang snow? Peke.
Ang Winter Inn? Hindi pwede pasukin.
Ganyan talaga ang mga Pinoy, mahilig sa scenery na hango sa ibang bansa: snow, Santa, pine trees, sled at kung anu-ano pa. Understandable naman dahil wala ang mga ito dito.
Pero sa isang banda, hindi naman masama ang ating parol, Misa de gallo, puto bumbong at Panunuluyan.
Paulit-ulit nating naririnig at nakikita, masaya talaga ang Paskong Pinoy dahil pagpatak ng -ber months, umpisa na ng paghahanda para sa araw ng Pasko.
Katulad ng mga nagdaang taon, ang obserbasyon ay pahirap ng pahirap ang buhay at iyon ay narireflect sa pagdiriwang ng Pasko: mas konting pailaw, konting regalo, konting handa, konting “bago” na gamit at maabilidad na pagtitipid.
Pero kung tutuusin, secondary naman lahat ito, hindi ba? Dapat ang pokus natin ay ang kapanganakan ni Hesus na ating tagapagligtas.
Sabi nga ng isang kanta ng APO, “Kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana’y maghari, sapat nang si Hesus ang kasama mo, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko”
Pingback: GreenBucks » Blog Archive » Pinoy Christmas