Makapal na Usok Mula sa Kaingin

litratongpinoy

wading in the river

Ang saya (kahit hindi ako nakababa diyan dahil ako ay may sprained ankle) ng mga bata nung kami ay huminto sa tabi ng daan upang sila ay makaranas ng paglalakad sa tubig  ng ilog!

Kaya lang…

Habang abala sa pagkakalad sa ilog ang aking mga anak, may napansin akong kakaiba mula sa isang bundok sa may di kalayuan: may makapal na usok mula sa kaingin.

kaingin

Nakakalungkot. Nakakainis. Nakakaiyak.

Hihintayin pa bang magaya sa ibang lugar na matabunan ng lupa mula sa bundok ang mga tao bago ito bigyan ng pansin? As it is, kalbong-kalbo na ang mga bundok sa Zambales at tila walang ginagawa ang mga kinauukulan upang ang mga ito ay mabigyang lunas.

Pangalawang araw pa lang ito noon ng bagong taon at ayaw ko sana mag-isip ng hindi maganda pero kung ganito naman ang makikita, hay naku…

11 Responses to Makapal na Usok Mula sa Kaingin

  1. Pingback: Treasure Jar » Tired of Being Sick

  2. hindi, hindi kino-convert as residential pero me nangilan-ngilan na ganun ginawa 🙁

  3. Pingback: Treasure Jar » New Babies and Toddlers in the Family

  4. hay naku, ganyan din ang tanawin sa bundok ng Montalban Rizal. Pagsapit ng hapon, makapal na usok ang makikita mo dail sa pagkakaingin. ang lungkot diba? wala silang pakialam sa perwisyo na maidudulot ng ginagawa nila. hay buhay talaga.

    heto naman ang aking lahok:makapal

  5. kaya pala binaha ang Zambales last year. bakit kaya di pa rin nadadala ang mga tao ‘no? sa dami ng namatay dahil sa landslides, di pa rin tumitigil.

  6. hay, grabe naman, kawawang bundok, at kawawang naman tayong mga tao na maapektuhan nito. Ngunit, tao din naman ang gumagawa nito. Tsk Tsk.

  7. naiimagine kita habang naiinis sa nakikita mo…kalbo na talaga kasi naman! 🙁

  8. lungkot din ako teacher J…

  9. Hay naku, kakainis yan talaga! Kahit paanong pagbabawal, sige pa rin.

  10. Oo nga, nakakalungkot naman talaga. Bakit kaya nagkakaingin? Kino-convert na rin ba ang kabundukan diyan para maging residential areas?

    Ito pala ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2010/01/litratong-pinoy-makapal-thick.html

  11. Hay, kailan kaya yan matitigil? Nakakalungkot.
    Nice Post,teacher J.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *