Makapal na Usok Mula sa Kaingin

litratongpinoy

wading in the river

Ang saya (kahit hindi ako nakababa diyan dahil ako ay may sprained ankle) ng mga bata nung kami ay huminto sa tabi ng daan upang sila ay makaranas ng paglalakad sa tubig  ng ilog!

Kaya lang…

Habang abala sa pagkakalad sa ilog ang aking mga anak, may napansin akong kakaiba mula sa isang bundok sa may di kalayuan: may makapal na usok mula sa kaingin.

kaingin

Nakakalungkot. Nakakainis. Nakakaiyak.

Hihintayin pa bang magaya sa ibang lugar na matabunan ng lupa mula sa bundok ang mga tao bago ito bigyan ng pansin? As it is, kalbong-kalbo na ang mga bundok sa Zambales at tila walang ginagawa ang mga kinauukulan upang ang mga ito ay mabigyang lunas.

Pangalawang araw pa lang ito noon ng bagong taon at ayaw ko sana mag-isip ng hindi maganda pero kung ganito naman ang makikita, hay naku…

11 Responses to Makapal na Usok Mula sa Kaingin

  1. Pingback: Treasure Jar » Tired of Being Sick

  2. Pingback: Treasure Jar » New Babies and Toddlers in the Family

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *