Category Archives: Litratong Pinoy

Kulay Rosas Para sa Baby Girl

Kulay rosas ang isinusuot sa mga baby girl at little girls 🙂

Kulay Rosas

Kulay asul naman sa mga baby boy.

Filipino Folk Dance

Kayumanggi. Pasensiya na at ginawa kong sepia ang larawan, pero bagay naman sa tingin ko, lalo na at kayumanggi naman ang kulay ng balat ng mga mananayaw ng isang Filipino folk dance.

Filipino folk dance

Bihira na tayo makakita ng nagsasayaw na ganito sa mga paaralan. Ang mga batang ito ay high school na nagperform ng Filipino folk dance sa field demo sa paaralan ng aking mga anak.

Ang aming anak na lalaki ay nagsayaw ng “Sayaw sa Bangko“.

Bughaw o Pula

Sa larong ito ng dama o checkers, isang kulay lamang ang iyong pipiliin: Bughaw o Pula?

Kaninong kulay ang panalo na? Kaya pa kaya humabol nung kabilang kulay?

Checkers

Ganyan din sa buhay, may mga pagkakataong kailangang pumili hindi lang kung ano ang gusto kundi kung ano ang dapat at tama kahit na hindi ito ang gusto.

Manalo man o  matalo, dapat panindigan kung ano ang pinili. Kung kinakailangang lumipat o magpalit ng paniniwala at paninindigan, sa palagay ko ayos lang yun, basta kung sa iyong loob, alam mo na tama ka at wala kang “tinatapakang” iba.

UPDATE:

I just installed the “LIKE” button for FB (and clicked on LIKE too), 😀 Still trying to find out how I can install this in most posts without copy-pasting the button codes for posts I personally recommend.

Kagat ng Langgam

Kakarampot ang laki, kakarampot ang kagat pero NAPAKAsakit, di ba?

Ants

Magdahan-dahan lang sa paglalakad o pagdikit sa kung saan-saan, baka ikaw ay makagat. Kaya kung sinabing ang injection ay parang kagat lang ng langgam ang sakit, masakit kaya yun, hehe.

Kandila Mula sa Binyagan

Isang larawang kuha ng aking anak, mula sa binyag ng inaanak ko at mga kumareng nakilala sa pamamagitan ng pagba-blag.

Candles

Tanong ko lang, itinatago nyo ba ang mga mementos na ganito, kandila, invitation, giveaways atbp bilang ala-ala sa mga espesyal na okasyon?