Tag Archives: colors

Makukulay na Balabal

litratongpinoy

Ang unang pumasok sa isip ko sa salitang “IYO” ay ang vocal exercises namin nung araw na “i-i-i-yo-ho-ho-ho, ho-ho-ho-ho-ho”. Hindi parang tawa ni Santa yan kungdi pataas na tono tapos pabababa yung pangalawang set ng ho, ho, ho 😀

Anyway, baka kung san pa mapunta ang usapan, ang aking post ay tungkol sa katanungan “Ano ang IYOng paboritong kulay?”

Sa aking pagtawid sa Landmark sa TriNoma kapag ako ay umuuwi mula sa aking 2x/week na “work” minsan ay nakatuwaan kong kuhanan ng larawan ang mga balabal na ito.

scarves

Medyo hindi nga lang yata maganda ang pagkakakuha ko kasi nagmamadali ang mga kasama kong mga anak ko (di ko tuloy na-adjust ang aperture at ISO, joke lang…)

Gusto ko diyan yung mga (mga talaga eh no?) blue, shade of aqua at lilac.

Ikaw?

Pula = Katapangan

The theme for this week’s Litratong Pinoy is RED.

Ang tema ngayong linggo para sa Litratong Pinoy ay PULA.

There are so many interpretations for the color red:  love, hatred, blood, bravery and prosperity. It may also symbolize energy, communism, heat and arrogance. Some even say that red is the color of the devil.

Maraming interpretasyon ang kulay pula: pag-ibig, galit, dugo, katapangan at simbolo ng yaman. Maaari din itong maging simbolo ng lakas, Komunismo, init at kahambugan. Sabi pa nga ng ilan, ang pula ay kulay ng demonyo.

For me, red for bravery is what we need right now. We need this not because we have to battle foreign oppressors like our ancestors but to battle the many hardships we are currently experiencing: financial crisis, lack of political trust and just about any daily struggles that should have been easy but tend to be otherwise.

Read more »