Tag Archives: Mindanao Avenue-NLEX

Mindanao Avenue Going to NLEX

Heto na ang Mindanao Avenue, isang pampublikong daan, papuntang NLEX. Bagong bukas lang yang daan nung kuhanan ng larawan na yan. Dito dumadaan ang mga sasakyan palabas ng Quezon City papuntang NLEX. Nai-blag ko na din ito sa Litratong Pinoy habang ginagawa at nung halos kumpleto na.

Mindanao Avenue

Maluwag at maaliwalas ang daang ito pero may ibang problema. Kapag gabi, hindi ito maluwag dahil yung mga papunta sa bayan ng Novaliches sa bandang kanan at taas nito, sinasakop ang mga lane na dadaan sa ilalim kaya ma-traffic tuloy.Mula nang ito ay mabuksan, naging ma-traffic na sa amin, isama na rin na naging mas polluted ang hangin.

Alam nyo ba, ilang araw pagkatapos ito buksas, merong mga nagvandal sa mapuputi nitong “walls” ng itim na spray paint. Nakakapanlumo kasi ang ganda na sana pero merong mga mapangit na loob na sinisira ang mga proyektong galing sa kaban ng bayan at para sa publiko.

Buti na lang pininturahan agad kaya natakpan. Sana di na maulit ito gawin.

C5-Mindanao Avenue-NLEX

Noong isang taon ay naging larawan at post ko sa temang simula ang ginagawang Phase 2 Project Segment 8.1 connecting Mindanao Avenue to NLEX.

Heto na ngayon ang malapit nang makumpletong modernong kalsada ng C5 – Mindanao Avenue – NLEX na alam ko ay isang malaking pagbabago hindi lamang sa mga mananakay kundi para din sa mga nakatira malapit dito:

mindanao avenue-NLEX

Ang nasa kaliwa ay patungong NLEX at ang nasa kanan ay patungong Mindanao Avenue.

Ito pa ang isang larawan sa ibang lugar (mula sa unang larawan) na malapit sa bagong kalsada: ang tollgate.

tollgate

Malaking pagbabago din ito sa amin dahil ilang bloke mula sa aming tinitirhan ay nakagugulat na makakita ng bubong ng toll gate. Maaaring hindi malaking bagay ito sa ilan ngunit hindi sa isang iang katulad ko na nag-aalala para sa kalusugan ng mga anak ko lalo pa ang isa sa kanila ay may asthma.

Hindi ko tuloy alam kung ako ba ay matutuwa sa pagbabagong ito o hindi. Malamang ang sagot ay hindi.