Tag Archives: saving money

What Are Your Plans?

I’m at my last two payments for a plan I got for one of the kids, woohoo! Next year I will be finished paying the other plan. Another woohoo! for that. Hubby got a plan for our youngest child.

I should feel “liberated” for having (almost) finished paying these plans and decide not to get another one. But…

I think I will get one more, for me this time. Retirement or a life plan or maybe even for the end-of-life plan would probably be good.

 

Paano Ba Magtipid

Paano nga ba magtipid, kung wala ka namang perang titipirin?

Naalala ko dati yung isang article na nabasa ko, inilista kung paano ang isang tao ay nakakapagtipid sa kabila ng pagiging penniless niya. Maabilidad kasi siya kaya ganun. Meron din namang mga taong di halata ng walang pangkain pero nakakakain sa mga mamahaling kainan ng libre kasi sila ay… huwag na nga lang baka awayin nila ako.

Paano ba magtipid? Narito ang ilan sa mga paraan para makatipid:

  • Sabi ng anak kong 9 years old nung mabasa niya ang titulong “Paano Ba Magtipid?” dapat daw “hindi bibili ng mga bagay ng hindi kailangan”. Sa palagay ko may punto siya dun. Agree ka ba?
  • Kapag nasa restoran, lalo na sa fast food na may value meals, magpadagdag ng ketchup packets kahit isang burjer lang ang inorder para may magagamit ka sa bahay.
  • Tutal humingi ka na ng ketchup packets, dagdagan mo na din ng tissue, sayang din yun, pamunas ng pawis o ng dumi sa mukha o kaya maaaring gamitin “in times of emergency” at wala kang ganun
  • Huwag na huwag mong gagamitin ang credit card kung hindi ka sigurado na mayroon kang pambayad pagdating ng bill. At para mas sigurado, huwag ka na lang kumuha ng credit baka lalo ka lang mapagastos ng perang wala ka naman in the first place
  • Bago bumili ng kung anong bagay, bag o sapatos o kaya ng isang supot ng tsokolate, isiping mabuti at maging honest sa sarili: “Kailangan ko ba talaga ito ngayon? Kapag ba hindi ko ito binili ngayon at binilikan ko sa isang araw, ganun pa din kaya ang pagnanasa ko na maging akin ito?”
  • Huwag magpapadala sa mga SALE signs dahil kapag nakakita ka ng blouse na 70% off, manghihinayang ka sa diskwento at malamang bibilhin mo, kahit na hindi mo kailangan ang blouse na yun. O sige huwag na nga ang blouse, yung table top oven na lang na 50% off, sayang din ang savings, malay mo, baka matutunan mo din mag-bake balang araw di ba? Sana nga paano kung hindi ka matutuo magbake?
  • Matutong magluto ng pagkain. Walang oras? Mag-set ng isang araw upang gawin ito, magluto ng 2 o 3 o higit pang bilang ng ulam at ilagay sa mga lalagyan at i-freeze. Oo nga’t nakakasawa pero nakatipid ka naman, sigurado pa ka pa sa pagkain dahil ikaw mismo ang nagprepare nito. At least, umuwi ka man ng gabing-gabi na at pagod na pagod pa, meron kang makakain sa bahay na iinitin na lang.
  • Kung mabilis ang internet connection mo, huwag ka na magsubscribe ng cable tv. Mas una pa nga mapapanood sa internet yung mga palabas kesa sa catv, basta lang alam mo maghanap kung paano.
  • Para hindi maging green with envy sa ibang may magagarang gadgets, mabuti pa, huwag na magbasa o tumingin sa mga gadgets site. Maiinis ka lang, lalo na kapag wala ka namang pambili.

Pasensiya na po sa bullets, tama naman pag tinignan sa dashboard pero sa published post, di pantay-pantay, grrr…

Tipid tips para sa mga homemakers.

Konting tips sa pagtitipid sa panahon ng summer.

Tipid tips para sa Time and Energy.

Napakarami pang tips na pwede i-share pero hanggang dito na lang muna ako kasi may nanggugulo na maglalaro ng Gardens of Time. Basta ang importante, maging satisfied sa kung ano ang meron ka at magstrive, pero huwag maging sobrang trying hard na nagkandarapa na magkaroon ng mga bagay ng minimithi na alam mong kailangan mo, hindi dahil sa gusto mo lang.

Juvenile Plans

I started paying for two juvenile plans almost nine years ago. At first I was unsure if I can afford getting two. But the insurance quotes my agent gave me seemed reasonable.

Nine years after, saving up for the quarterly premium payment has not been a problem with me, save for some times when I have to forego purchasing anything big to save up on the payment.

It feels like saving for something big. I just hope nothing bad will happen to the company before the children reach the age 21 😀