English translation is here.
Eto naman ang isang isinulat ukol sa paksang pag-aaral. Maganda po ang topic dyan, promise.
Para po sa mga hindi nakakaalam, ang aking buhay sa likod ng blag ay umiikot sa pagiging isang guro. Opo, ako ay isang guro ng mga batang may kakaibang pangangailangan upang matuto. Sa madaling salita, sped ako, ay este, sped teacher ako.
Ang masasabi ko dito ay ang pag-aaral ay ang aking gitnang pangalan.
Ako ay naniniwala na ang pagkatuto o pagiging edukado ay hindi lamang sa loob ng apat na dingding ng paaralan. Ito ay natututunan sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa mga tao, sa pag-iisip ng pagresolba sa mga problema, sa pagde-desisyon at sa tamang pag-iisip ng mga paraan upang makatulong hindi lamang sa sarili kundi sa ibang tao at sa kalikasan. World peace and environment, ika nga 😀
Paano nga ba masasagot ang mga maaaring itanong sa akin bilang isang sped teacher? Narito po sa ibaba:
Para sa mga aklat na nagamit ko sa aking mga tinuturuan, paki-click -> mga aklat.
May kilala ka bang batang sobra ang likot at kulit? Paki-click ito -> ADHD
May kilala ka ba may otismo? Paki-click ito -> Autism
May kilala ka bang sobra ang talino? Paki-click ito -> Giftedness
May kilala ka bang nahirapang magsalita o makasabay sa pinag-uusapan? Paki-click ito -> Language Development
May kilala ka bang nahirapan talaga matuto sa paaralan at sa buhay din? Paki-click ito-> Learning Disabilities
May kilala ka bang hirap makagawa ng mga bagay-bagay sa lahat ng aspeto ng buhay? Paki-click ito -> Mental Retardation
Paano ba tuturuan ang mga batang ito? Paki-click ito -> Teaching Techniques
Ayaw ko na munang isipin ang mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralang pumapasok ng 6am-12pm o kaya 12pm-6pm.
Ayaw ko munang isipin ang mga mag-aaral na naglalakad ng ilang kilometro upang marating ang kanilang paaralan upang makapag-aral.
Ayaw ko munang isipin ang mga batang nag-aaral sa silong ng mga puno dahil sa kawalan ng mga pasilidad.
Ayaw ko munang isipin ang mga estudyanteng umaabot sa bilang na 50-70 sa isang mainit at masikip na silid-aralan.
Ayaw ko din munang isipin ang aking mga kapwa guro na hirap sa pagtuturo dahil sa kakulangan sa pasilidad at dami ng estudyante.
Mahaba na, sige na nga, eto na ang mga lawaran ko. Sa kabila ng aking pagiging guro, kami ay nagdesisyon na i-homeschool ang aming dalawang batang anak sa paaralan ni Bo Sanchez.
Ang aking panganay na si Trixie ay nasa elementarya ng isang unibersidad sa may di kalayuan sa amin. Siya ay may mga kaklaseng may special needs.
Eto si Julian, kasama ang kanyang ka-grupo sa aking lugar na trabaho. Siya ang nasa blue na polo shirt at magpi-pitong gulang na at nasa Grade 2.
Ang kanyang mga kasama, karaniwan ay mga batang lalaki na may iba’t -bang pangangailangan sa pagkatuto. Kasama nila sila Teacher Joy at Teacher Xeres na mga Occupational Therapists.
Eto naman ang aming bunso, si Tania:
Kasama niya si RV, isa sa mga tinuturuan ko. Sila ay magkasing-edad na 5 taon at nag-da-dyad ng learning dalawang beses isang linggo.
Sana po ay may natutunan kayo sa aking lahok.
Inuulit ko po, narito ang English translation.