Manigong Bagong Taon sa lahat!
Akala ko nga walang LP kasi baka puyat ang mga nagsipagsalubong sa Bagong Taon, aba, hindi pala. Katulad ko, alas 5 pa lang, gising na, gawa ng sanay magising ng maaga.
Ang pambungad na sulatin ko para sa taong ito ay tungkol sa mga kahilingang sinimbolo ng mga kandilang sinindihan namin kagabi.
Bawat kandila ay may iba’t ibang kulay na may big sabihin.
Bago kami nag-Media Noche (ako, ang aking kabiyak at ang aming anak na lalaki [tulog si Bunso at natulog ulit si Ate} ) ay nagtanong sa akin ang aking anak na lalaki kung ano sa mga kandilang iyon ang aking gusto. Sabi ko yung “berde”, kasi yun ang kahilingan na patungkol sa pananalapi.
Tinanong niya ako kung para ba ito sa pambili ng pagkain, pambayad sa school, at pang-gas ng sasakyan para makapunta sa work? Sabi ko “Oo”.
Hindi ko alam, tinanong din pala niya ang kanyang ama at pareho kami ng sagot.