Walang Tubig. No Water.
This, more often than not, is how the ONLY functioning faucet in our home looks like. No, the other faucets (we have 7 more) are not in need of replacements. To even say that only that faucet outside, in front of the front door is the ONLY ONE where water comes out probably does not begin to describe how much we value this precious commodity.
The water system where we live is so pathetic we only have water at the most five times a week, for a few hours in the morning and another few hours in the afternoon, from 2pm till around 8pm.Yeah, we arrive home from work around 8:30pm, sometimes even later. That silver thing on the bottom right? That is a big basin which we use to catch the water to be transferred in the bathrooms, big container for washing the plates and a bigger container as a water reservoir (yeah right).
Tubig, aming tubig
Ang tulo mo’y sing-dalang
Ng patak ng luha o
Kaya naman sing-hina ng ihi ng bata.
Ano ba talaga
Ang iyong problema,
Di alintana,
Kung nakaligo na o hindi pa.
Yaring mga sahig,
Nanlilimahid na,
At ang aso nama’y
nanganamoy na.
Totoo po ito,
Ilang beses sa isang lingo,
Ang pagtulo ng aming gripo.
Konting oras sa umaga at
Konting oras sa gabi.
Sa labas na lamang,
Wala na sa loob.
68 comments greenbucks | Environment, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, blogging101
68 Responses to “Walang Tubig. No Water.”


at least may tumutulo pa at mukha naman malinis, samin malakas nga ang tulo kaso amoy kalawang naman… naninilaw na nga tiles namin sa cr eh haha!! maligayang huwebes sayo
ang hirap talaga ng walang tubig! mabuti pang mag-brownout nalang! haha!
magandang huwebes sa’yo!
kahit saan na yata ay ganyan ang sitwasyon…dito hindi man rasyon ang tubig, hinihikayat pa rin ang pagtitipid…sapagkat may mga lugar na talagang tagtuyot.
magandang araw sa iyo.
nakakatakot na pangitain ang mawalan ng tubig… laking perwisyo talaga pag nagkataon
ang hirap pag walang tubig. ganun ba sitwasyon sa inyo. dito sa amin dati ganyan pero inayos ng mga taga maynilad kaa ok na.
mahina man ang tubig isang magandang LP naman
isa lang ang masasabi ko….TTTUUUUUBBBIIIIGGGG!! ok ba
Oo nga at least may tumutulo pa! Napaka hirap tlga ng wlang tubig!
Magandang Huwebes!
Sana makita kita sa aking bahay
http://edsnanquil.com/?p=738
maraming salamat sa dalaw mo.
mahira nga walang tubig. kaya dapat magtipid! happy huwebes sa iyo!
O my gulay mahirap ng mahina at kung lalong walang tubig.. Di ko kakayanin yan.. buti na lang sa amin may tangke kami.. yay apakabit ka na lang ng electric pump.
http://jennys-corner.com/2008/05/lp-8-tubig-water.html
ganyan na ganyan ang problema namin sa Sta. Mesa, Manila… dangan kasi may mga households na may mga water pump kaya ayon ang dalang dumaloy ng tubig… to think na napapalibutan ng tubig ang Pinas pero hindi maayos ang water distriution…
the day will come when men would fight over this basic commodity.
Paano na? Paano na kung tuluyan nang mawala ang tubig? hindi ko mai-magine ang hirap
haaay, hirap talaga ng walang tubig!
pareho tayo ng concept! happy hwebes!
Haay…hirap ng walang tubig. Naranasan ko na rin yang nagiigib!
Napakahalaga talaga ng tubig. Hindi natin naiiisip minsan kung gaano ito kaimportante hanggang mawalan tayo nito. Sana’y malutas niyo ang problemang ito!
ang hirap naman nyan…alam ko din ang pakiramdam ng laging walang tubig pero noon yun..sana man lang maayos ang sistema sa inyo…
happy LP!
Naku T. Julie, ganyan din sa bahay ng mga nanay ko! May schedule ang patak ng tubig kaya may mga drums na kailangan gamitin para makaipon. Ang dami pa namang bata na maya’t maya kumakain eh di mayat-maya din ay ‘nagdedeposito’ aruykupo! , minsan ang sarap bigyan na lang ng mga dyaryo hu hu hu! ha ha ha! (saglit lang natawa ako sa kakornihan ko he he)
o tubig, aking sinta…sana naman ikaw ay palagiang tumulo na!
nakakatakot kapag may bagyo at nagh hoard ang mga tao ng tubig. lalo pa kaya kapag talagang nagtatuyot na ng matindi.
happy weekend, teacher julie!
maraming salamat po sa pagbisita sa aking mumunting blog… Magandang araw sa iyo…. Sahod ka na po nang timba upang makaipon ng tubig…
ang hirap naman pala nyan, di ba kayo pede maglagay ng poso? or water pump? tara makiligo ka samin anytime!
ang hirap talagang walang tubig. kung nuon libre ngayon binibili na ito.
Uulitin ko na rin, grabe, sobrang hirap ang walang tubig. Ok na walang kuryente, basta may tubig:D ayokong pumasok ng hindi naliligo, hehehe.
hay naku, jul, naranasan namin yan noong nasa sampaloc pa kami! ang hiraaaaaap! parang 2 hours lang yata sa isang araw kung magkatubig at sa madaling araw pa. grrrr!
Waterfall
Fountains
Mapalad na pala kami dito sa amin kasi di namin problema ang suplay ng tubig. OO may kaibigan ako na ganun din sa kanila at sinasabi nga nya sa akin na dahil sa sitwasyon nila ay naiisip nya kung gaano kahalaga ang tubig. Pero dito sa amin minsan din ay nawawala ang tubig pag nawawala ang kuryente sa banda kung saan ang source ng tubig namin dito. pero ang mommy ko sinasabihan pa rin kaming magtipid ng tubig kahit man na marami ito sa amin.
Sana nga’y alagaan nating lahat ang mga biyaya ng kalikasan! Mahalaga ang tubig. Dito sa amin di naman namin problema ang tubig pero pagnawala naman ito minsan ay problema rin. Buti pa minsan mawalan ng kuryente kaysa tubig. Mahirap!
Magandang araw sa iyo!
Kaya dapat magtulungan tayong magtipid sa pag gamit ng tubig. Aba mahirap bumaho kaya hahaha.
nakupo! ang hirap naman pala nyan…. mas matagal pa ang walang tubig. sa lahat pa naman na importante ay kasama ang tubig…
super thankful..wala naman kaming problema sa tubig. sobrang hirap talaga ng walang tubig!
hay… sadyang mahirap kapag hindi regular ang dating ng tubig..
ang hirap nga ng walang tubig… lalo na kung puno ka na ng sabon sa mukha tapos biglang nawala…
di sya pinapansin pag nandyan pero pag nawala ramdam na ramdam…
Yan ang isa sa mga rason kung bakit di kami makaalis dito sa lugar namin. Di man buong araw may tulo pero kapag dumating malakas. Saka namo-motor namin tuwing hapon at madaling araw. Sa gabi pwede magpatulo sa mababa nga lang di kaya sa drum.
P.S. Pwede po bang makipag-ex link sa creyes.info ko?
Calling on NAWASA or Maynilad! Hoy gising!
Pasensya na medyo nahuli ng pag-comment… bawi na lang ako sa darating na Huwebes
[...] Walang Tubig. No Water. [...]
Yette, oo, malinis naman kahit hindi palagi meron. Mahirap kapag amoy kalawang. Nireport nyo ba? Siguro matagal ang response niyan, gaya sa amin.
Lidie, sinabi mo
Pero di din puwede sa amin ang brownout, baka hikain ang anak ko, hindi makapag-nebulizer
Dapat talga, kahit maraming tubig, ang pagtititpid ay dapat na i-encourage. Hindi kasi natin alam kung paano na pagdating ng panahon.
Hay, Linnor, mahirap talaga, ipon ng ipon kami kapag me tulo ang gripo, imbes sana nakapagpapahinga na mula sa trabaho.
Buti pa kayo, Jeanny. Maynilad din kami pero walang pagbabago. Medyo mataas din kasi kami ng konti sa ground level kaya mahirap umakyat sa loob ng house kahit bungalow lang ang bahay. Pero dapat hindi ganun.
hay, Cookie, kung siguro nakamamatay ang mga maaanghang na salita (naks, pinaganda pa ang term) bago wala nang buhay ng taga-Maynilad sa inis ng mga tao dito sa amin. Hay, grabe yata itong sagot ko
Tiyagaan na lang talaga na naghakot, Eds. Salamat
Sobra-sobrang pagtitipid na kami pero kahit paano, nakakaraos din. Buti na lang may murang laundry shop
Kahit nga me water pump, wala ding silbi kung wala din namang tubig. Oo nga, ironic na isa tayong arkipelago pero ganito naman ang distribusyon ng tubig.
Salamat Pete.
Totoo yan, KP, ngayon pa nga lang, nagkakaubusan na, lalo na pag lalong dumami ang populasyon.
Nona, waaaag! Wag mawawalan, Dati ilang weeks wala kami, tapos ang hirap papuntahin ang mga nagdedeliver pagdating sa amin, wala na.
Tama ka, Dyes, mahirap talaga ang walang tubig. Salamat sa dalaw.
Joy, oo nga, imbes na makapagpahinga na pagkagaling sa trabaho, maghahakot pa. Hay…
Hay, naku, Toni. Dati ok naman, ngayon, seems like its getting worse. Sa mga inlaws ko, pumuputok ang mga gripo sa lakas ng pressure, kahit nasa 2nd floor na. MWSS sila, Maynilad kami.
Kaje, re tubig, ok kami nun pero hindi ko mawari kung ano ang nangyari at nagkaganyan na ang serbisyo ng tubig dito sa amin. Maynilad kami, hmph.
Thess, saan ba ang sa mga nanay mo, baka naman kapitbahay ko sila
Gumagawa na lang ako ng paraan na hindi maghugas palagi, me mga laglagyan ng tubig na inuminan ang mga nak ko para hindi gamit lagi ng baso, ganun. Pero yun nga, ang pagdeposito
Hay, naku, sinabi mo Tin. Tuwing umaga, maririnig yung mga motor ng water delivery trucks sa kapitbahay, baka tinatamad ng mag-ipon kaya ganun. Buti nga mura lang yung laundry services namin
Hay, Mat, napatawa mo ako
Girlie, me deep well dati, natuyuan na yata ito. Kahit me pump, kung wala din namang makukuha. Hay…
Totoo ya, buti na lang kamo, medyo mura lang magpalaundry sa suki namin.
Komski, mahirap din ang brownout sa amin baka hikain ang anak ko, hindi makapag-nebulizer
Ahahaha, ganyan din kami dati sa Tandang Sora noong dun pa kami nakatira sa mga inlaws ko, pero now, pimuputok pa ang gripo sa 2nd floor sa lakas na pressure.
Totoo yan, kahit sagana sa kung ano pa man, dapat ay marunong ding magtipid kasi hindi lahat ng bagay ay lagi nandiyan.
T&B, mahirap din kami mawalan ng kuryente, baka hikain ang anak ko at hindi makapag-nebulizer
Ambo, natawa naman ako sa iyo
Hay, Iska, sinabi mo
Totoo yan, Lizeth.
Totoo yan, Jules .
Teys, natawa naman ako. Di pa nangyayari yun kasi me malalaking balde kami sa banyo
Sasha, kahit me motor, parang hindi din ubra, tuwing umaga, me mga nagpapadeliver sa mga kapitbahay namin. Baka tinamd na mag-ipon.
Sasha, sure exlinks, sure.
Pinky, MAYNILAD kami, walang kwenta kasi pati mga kakilala namin na ito ang water services, ganito din, siguro sa dami ng tao kaya ganito.
[...] have written about how we have been having so much difficulty with our Maynilad water services (or lackof it) in this post I wrote a few months [...]
[...] would be nice to have our own tankless water heater in our bathrooms but alas, our water services in this part of the city merit being classified as really third world [...]
[...] only our water pressure is not a problem (illegal connections here and there), we would have considered getting an electric tankless water [...]
h! nagwwrk po ako sa water supply d2 sa montalban rizal! dep-weel po ung tobig,dnidlver xa ng truck. kya pag wla kayong tobig txt nyo lng ako sa 09208250025