The theme for this week’s Litratong Pinoy is golden.
Ang tema para sa linggong ito sa Litratong Pinoy ay ginintuan.
I thought about doing something different with this entry and related this to age. Yes, the golden age which we probably do not want to celebrate yet.
Naisip kong ibahin ang aking lahok at ang edad ang aking naging ideya. Oo, ang gintong taong kapanganakan, o ang ikalimampung taon na malamang hindi pa natin gustong maranasan.
My idea was to post photos of people well into their 50’s who still work hard to support their families. Nothing bad here but to those who are older? How many times have we heard about a grandpa or a grandma with their frail bodies and brittle bones working not just to support their able-bodied children but also their grandchildren? We sympathize with them, sometimes we seethe with anger why they allow this to happen.
Ang aking ideya ay maglagay ng larawan ng mga matatandang lampas na sa kanilang ika-limampung taon ngunit nagtra-trabaho pa para suportahan ang kanilang pamilya. Wala namang masama dun pero kung mas matanda pa dun? Ilang beses na ba tayo nakarining ng ganitong kwento tungkol sa isang lolo o lola na bukod sa mahina na eh nagtatrabaho pa para suportahan hindi lamang ang kanilang mga anak na ayaw magbanat ng buto kungdi pati anak ng mga ito? Naaawa tayo sa kanila, kung minsan nang-gagalaiti tayo sa galit bakit ganito ang kanilang sitwasyon.
Si Lolo, nangunguha ng mga kahoy mula sa pinaputol naming mga sanga ng puno. Gagamitin niya ito na pang-gatong.
Eto naman si Lolo na nagpapahinga mula sa pagtitinda ng lobo sa isang parke. Ano kaya ang kanyang iniisip?
Si Manang Salve, mahigit 60 anyos na, pumupunta sa amin mga 2-3 beses sa isang buwan para maglinis. Siya ang bumubuhay sa kanyang mga apo at ilan pang anak. Haaay…
Ayaw ko munang isipin ang tungkol sa pagsapit ko sa gintong edad. Marahil ay nagta-trabaho pa din ako para suportahan ang aking pamilya dahil mga bata pa ang aking mga anak sa ngayon. Pero sana sa pagtanda ko at ng aking esposo, maging maayos at matiwasay ang aming pamumuhay. Sana kayo rin.
Happy Thursday po sa inyong lahat! 🙂
Pingback: Fallen Leaves | GreenBucks
Pingback: Grassy Front Yard | GreenBucks
Pingback: teacherjulie.com » Caring for the Elderly
Pingback: Treasure Jar » Philippine Spring Cleaning Day
Pingback: GreenBucks » Blog Archive » Mag-Recycle
Pingback: teacherjulie.com » Reduce, Reuse and Recycle
Pingback: Treasure Jar » Clean-Up Day
Pingback: GreenBucks » Blog Archive » Caring for the Elderly
Pingback: GreenBucks » Update On My Vegetable Garden
Pingback: GreenBucks » Blog Archive » Cleaning Up
Pingback: GreenBucks » Anawim’s Old and Gray
Pingback: teacherjulie.com » Trick or Treat at TriNoma
Pingback: teacherjulie.com » My Baby Okra Plants