Candle Wishes

Manigong Bagong Taon sa lahat!

Akala ko nga walang LP kasi baka puyat ang mga nagsipagsalubong sa Bagong Taon, aba, hindi pala. Katulad ko, alas 5 pa lang, gising na, gawa ng sanay magising ng maaga.

Ang pambungad na sulatin ko para sa taong ito ay tungkol sa mga kahilingang sinimbolo ng mga kandilang sinindihan namin kagabi.

Bawat kandila ay may iba’t ibang kulay na may big sabihin.

Bago kami nag-Media Noche (ako, ang aking kabiyak at ang aming anak na lalaki [tulog si Bunso at natulog ulit si Ate} ) ay nagtanong sa akin ang aking anak na lalaki kung ano sa mga kandilang iyon ang aking gusto. Sabi ko yung “berde”, kasi yun ang kahilingan na patungkol sa pananalapi.

Tinanong niya ako kung para ba ito sa pambili ng pagkain, pambayad sa school, at pang-gas ng sasakyan para makapunta sa work? Sabi ko “Oo”.

Hindi ko alam, tinanong din pala niya ang kanyang ama at pareho kami ng sagot.

Bigla syang nagsalita at kami ay nagulat sa kanyang sinabi:

“Ako gusto ko blue kasi PEACE yun, para lahat masaya at walang nag-aaway. Para LOVE lahat kasi yung candle na naunang natunaw ay pink, love. Kaya LOVE ang para sa atin.” (Yung pink candle kasi ang pinakamaiksi at unang natunaw)

Nagkatinginan kaming mag-asawa at sabay halik sa kanya.

Gusto kong maiyak, sa tuwa at sa hiya.

15 Responses to Candle Wishes

  1. aww. kids can be very smart, no? :)

    happy new year julie!

  2. eto yung kandilang hinahanap ko :)

    maligayang at mapagpalang bagong taon sa inyo at sa inyong minamahal :D
    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  3. Happy New Year Julie!! :)
    Wishing you all the best in 2009!

  4. Bata pa siya. He is seeing life and the world through a different prism…the life and world we fantasized to live in.It is not the real world. The real world is too full of greedy and power hungry s.o.b.’s. At some point in his life, you have to prepare him for this reality.

    From what I have experienced in life so far, those who have less in life, give more; those who have more, give less and always want to take credit for giving more.

  5. awww, nakakatuwa naman ang iyong anak…tama nga naman:) pero ako rin green naman ngayon! hahaha! Happy New Year to you and your family!

  6. Happy New Year to you and your whole family. Nakaka touch naman ang wish ni Julian.

  7. Aww Julian, you’re one of a kind! Happy Happy New Year again, T Julie!

  8. very inspiring thoughts.
    anyway, happy new year po.
    goodluck sa 2009

    visit my entry too:
    asouthernshutter.com

  9. Yung isa ay naunang natunaw…very poetic naman Teach!

    (Please read Psalm 37:11 to your boy :) )

  10. spoken like an innocent heart. Sabi nga nila, may maituturo ang bata sa mga matatanda lalo na pag nakikinig tayo sa kanila. :)

  11. happy new year… :)

  12. Happy New Julie. All the best for 2009!

  13. so true, happy new year!

  14. Aaaw, nakakatuwa naman si Julian! The wisdom of little children – so precious and innocent. That was a good way to celebrate new year’s eve.

    Happy New Year, Julie. I then wish you and your family peace and love. :)

  15. Pingback: GreenBucks » Blog Archive » Wishes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>