Kahel ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito. Siyempre naloka ako dahil gusto kong maglagay ng larawan ng kahel na prutas para angkop di ba? (sabay kamot ulo) Pero di yata ayos yun. Tsaka sa mga nakakikilala sa akin, alam nila hindi ko “type” ang orange at fuschia pink na kulay kaya wala ako halos gamit na ganitong kulay.
Orange, the color, is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Of course, I wanted to put a photo of an orange fruit so that is fits the theme right? I guess not. For those who know me well, they know I dislike the color orange and fuschia pink so I do not have things belonging to me with that color.
Ayan manggang hinog na kulay kahel (o kulay mangga, hehe), nakalagay sa toothpick kasama ng hiniwang suman. Almusal namin minsang malamig na umaga nung mahabang bakasyon nung panahon ng Kapaskuhan. May kasama itong inuming mainit na tsokolate mula sa nilutong tablea.
Isang Pilipinong almusal na marahil konti na lamang ang nakaka-alam. Mainam na ito ay maibalik sa mga mesa hindi lamang upang buhayin ang kulturang Pilipino sa hapag-kainan ngunit upang makatulong sa mga negosyanteng gumagawa ng suman at nagtitinda ng mangga.
There you go, ripe mangoes whose color is orange, on toothpick with sticky rice. We had this for breakfast one chilly morning during the long Christmas vacation. With it were cups of hot chocolate made with tablea.
This is a Filipino breakfast that only a few know about, I guess.
57 Responses to Suman at Manggang Hinog