Oh My Gulay!

Ako ay “palpak” pagdating sa pagpapatubo ng mga bulaklak, ito po ay aking aaminin

Pero nabuhayan ako ng loob ng subukin kong magtanim ng halamang gulay at kahit paano naman, ito ay nagkaroon ng bunga! Yipee! Me konting problema lang ako sa mga ibon dahil gustung-gusto nila ang aking okra, talbos ng ampalaya at mumunting mga kalamansi πŸ™

Pero meron na din kaming mga malalaking bunga ng ampalaya at mga herbs na nagagamit sa pagluto πŸ™‚

Heto ay larawan ng mga maliliit na okra sa aming bakuran:

okra

Maganda nga ang mga bulaklak, nakatutuwa at talagang nagiging mas maganda ang paligid pero siyempre, ang gulay naman, masarap at masustansiya πŸ™‚

Ako ay mas excited mag-garden dahil dito na nakakatulong sa pagtatanim! Woohoo!

17 Responses to Oh My Gulay!

  1. Ross, thanks for the interest. My backyard gardening has stopped for the meantime because of the rains. Nasira nga mga tanim ko, including all the yield and herbs.

    I have friends who are into backyard farming too, I will ask for their permission if they are willing to be interviewed.

    Thanks and best regards.

  2. hello! ako ay taga unang hirit. naghahanap kasi ako ng mai-interview na mahilig sa backyard gardening…baka pwede ka…kwento mo lang paano ka nawili sa pagtatanim…sige na…

    actually, naghahanap din ako nung mahilig sa farmtown ng facebook tapos nahilig na din sa pagtatanim sa totoong buhay..baka may kakilala kayong ganoon…

    pls keep in touch..kahit sa text so i can call u..
    tnx!
    ross timbad
    unang hirit-gma 7 researcher
    0927-810-2728

  3. Pingback: GreenBucks » Bitter Gourd

  4. dapat na ngang maging wais ngayon..sa pagtatanim, magandang may gulay para bawas sa gastusin sa pamimili ng pagkain. Tayp ko iyang okra:)

  5. wow herb & vegie garden

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista πŸ™‚
    Salamat sa pagbisita πŸ™‚

  6. Hi! mas productive nga siguro kung puro gulay ang mga tanim sa garden, gusto ko lang magtanim kaya lang di ako green thumb pero i try at di rin ako kumakain ng gulay

  7. oh my gulay nga hehehe..

    ako din eh sinubukang magpatubo ng bulaklak pero palpak din…ang mga halaman ko ngayon eh mga green leaves lang hehehe

  8. oo maganda nga magtanim ng gulay siguradong walang pesticide! ito sa akin: ang gaganda ng mga bulaklak! ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/04/lp53-hardin-garden.html

  9. uy gusto ko rin ng okra sa bakuran ko:)

  10. Ang fresh ng dating ng kuha mo! Bulaklak nabubuhay ko pero gulay ay hindi πŸ˜€ Baliktad!

  11. Hi julie! paborito ko ang okra! Ganda din itanim yan. πŸ™‚

  12. Ako rin walang green thumb. =(

    Ang aking Hardin ay nakapost na rin dito, ang sa aking kapatid naman ay nakapost dito. Isang magandang araw sa iyo, ka-litratista!

  13. hahah pareho tayong walang green thumb πŸ˜›

    salamat sa pagbisita!

  14. ang galing naman. ako gusto din sana magkaroon ng hardin na puro gulay. para dun na lang ako kukuha ng iluluto ko. salamat sa pagbisita! happy LP!

  15. Ayos lang – not everyone is born with a green thumb. Ako din, lahat ata ng tinanim ko eh hindi umusbong!

    Thanks for visiting my site and for leaving a comment. Happy Thursday!

  16. ako din hehe.. parang tingin ko di ako makakabuhay ng bulaklak although di ko pa nasusubukan na magtanim,.
    pero yung gulay, alam ko mabubuhay ko, kasi nung elementary ako nagtatanim kami sa school πŸ™‚

    nabasa ko.. pwede palang ilagay ang ground coffee sa lupa ano.. galing

  17. Na isipan ko tuloy mag tanim ng kamatis sa paso. At least hindi na ako bibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *