Muling nagbabalik ang Litratong Pinoy.
Tamang-tama ang pagbabalik na ito, kasabay sa hudyat na tema ng pagpasok ng buwan ng Pasko. Alam naman natin na dito sa Pilipinas, napaka-espesyal ng Pasko.
Narito ang isang hudyat sa aming tahanan na wala nang makapipigil pa sa pagdating ng Pasko:
Isang simpleng paper tree, gawa ng mga anak ko noong isang taon. Isa yan sa mga ginawa nilang tree ornaments.
Nawa ay maging maayos ang pagdating ng Pasko sa ating tahanan at puso. Tandaan, si Hesus ang dahilan kaya tayo meron nito.
Happy LP!
Pingback: Philippine Lotto | Chronicles of Kotsengkuba