Tag Archives: bulaklak

Sunflower

Bulaklak. Para sa akin, winner ang sunflower. Meron ako niyan dito, dito at dito. Ay teka, meron pa pala dito 😀

sunflower

Gusto ko ito siguro kasi napakasaya ng kulay nito na talaga namang nakakapagbigay ng ngiti sa akin.

Kuha ito nung isang taon. Hindi pa masyado malalaki ang mga sunflowers nung napasyal kami kung saan marami ito. Sana kapag napunta ako (at sana malapit na kasi maulan na eh baka mawala na sila) hindi *magloko ang kamera ko para maganda ang mga kuha ko.

*nagloloko kasi kung minsan, madilim ang kuha sa outdoor 🙁

Calamansi Flower

Napakarami kong larawan ng mga magagandang bulaklak. I have many photos of beautiful flowers.

Pero napili kong ilagay ay bulaklak sa ibaba para sa aking Litratong Pinoy entry. But I chose the photo below as my Litratong Pinoy entry:

Calamansi flower

Simple, puti, maliit. SUbalit sa loob nito ay isang maliit na bunga na magiging source ng maasim at masustansiyang juice na hitik sa bitamina. Simple, white and small but inside is a small sour fruit that would be  a rich source of vitamin c.

Bakit nga ba ito ang pinili ko? Kasi na-excite ako sa mga maliliit na bulaklak ito sa aming maliit na hardin ng mga pu-puwedeng kainin o ilagay sa pagkain pagdating ng araw 😀