Simula pa lang ng paggawa ng malaking kalye malapit sa amin.
Noong Lunes ay isinarado na ang daan na dinadaanan namin kaya iikot na kami sa matrapik na palengke. Pero sige lang, pagkatapos naman nito (kung matatapos agad) ay magiging mas maaliwalas ang aming pag-uwi. Wala naman sana problema kung hindi nagsasara ng gate yung katabing subdibisyon mula 10am – 5pm at 10pm – 6am para hindi na kaya naipilitan kami umiikot ng malayo. Hmph.
Importante ang daan na ito kasi mismo si PGMA (S)cares ay dumalo sa groundbreaking ceremonies noong nakaraang buwan (kung tama ang pagkakatanda ko).
Pasensiya na po, malabo, umaandar kasi kami at may tint pa ang salamin.
Anyway… (pakibasa po hanggang bago magdulo, nandun ang climax)
Ang major road na ito ay mag-uugnay ng Mindanao Avenue sa NLEX or North Luzon Expressway. Heto ang isa pang link tungkol sa project.
Alam nyo ba kung magkano ang 2.8 kilometer na daang ito? 1.5 billion pesos lang naman.
Kung ito ay idi-divide sa 2.8 kilometers, pumapatak na 535 million++ pesoses for less than a kilometer ang presyo ng daan na yan. Sosyal di ba?
Twing! Twing! (Tunog ng cash register yan, lol!)