Ako ay “palpak” pagdating sa pagpapatubo ng mga bulaklak, ito po ay aking aaminin
Pero nabuhayan ako ng loob ng subukin kong magtanim ng halamang gulay at kahit paano naman, ito ay nagkaroon ng bunga! Yipee! Me konting problema lang ako sa mga ibon dahil gustung-gusto nila ang aking okra, talbos ng ampalaya at mumunting mga kalamansi 🙁
Pero meron na din kaming mga malalaking bunga ng ampalaya at mga herbs na nagagamit sa pagluto 🙂
Heto ay larawan ng mga maliliit na okra sa aming bakuran:
Maganda nga ang mga bulaklak, nakatutuwa at talagang nagiging mas maganda ang paligid pero siyempre, ang gulay naman, masarap at masustansiya 🙂
Ako ay mas excited mag-garden dahil dito na nakakatulong sa pagtatanim! Woohoo!