Tag Archives: Thanksgiving

Pasasalamat

litratongpinoy

Pasasalamat. Salamat.

Nativity Chapel of the Immaculate Conception Cathedral

Ako ay isa sa mga taong nahubog na may pananampalataya sa Panginoong Diyos.

Dahil sa magkahalong impluwesiya ng simbahang Katolika sa aking paaralan at paniniwalang Protestante sa aking pamilya at kinalakihang simbahan, naintindihan ko kung paano hindi magiging sabagal ang relihiyon sa pamumuhay at pagtugon sa mga tungkulin bilang isang Kristiyano at bilang isang responsableng mamamayan.

Isa lang iyan sa aking pinag-uukulan ng pasasalamat.

Ang pamilya, ang kalayaang mangarap at magkaroon ng pagkakataon upang matupad ang mga iyon , at mga pagkakataong pag-isipan ang kalagayan ng iba sa pamamagitan ng malayang pagsusulat, iyan ay ilan lamang sa listahan ng mga dapat kong ipagpasalamat.

Ang pasasalamat ay hindi lamang kumakatawan sa katagang nagsasabi ng pagtanggap at pagkilala sa mga bagay-bagay na nagawa hindi lang para sa ikabubuti ng sarili ngunit para din sa kapakanan ng marami.

Sa iyo na nagbabasa nito, isang taos-pusong pasasalamat ang aking ibinibigay ng may ngiti. Nawa ay maging maligaya at puno ng pagpapala ang darating na taon para sa iyo at iyong pamilya.