Maluwag, pwera kung sobrang trapik at maraming sasakyan lalo kapag weekend ( o kaya kapag may sale sa TriNoma o SM North EDSA). Maaliwalas dahil sa mga puno. Madaling makasakay o accessible. Yan ang Mindanao Avenue.
Ito ay kuha mula sa isang parte ng TriNoma. Madalas ito ang aming binabaybay papunta sa ilang piling lugar at ito rin ang kalsada pauwi sa aming tahanan.
Ito ay kalsada para sa mga sasakyan at mga tao.
Para sa akin, ang kalsada ay para sa mga tao at sasakyan kaya ako ay nagulat sa aking nasaksihang ito minsan sa aking paglalakad:
Isa ito sa series ng mga larawang kinunan ko ng mga ibong naglalakad na nakapila kahit maluwag ang lugar. Animo paparazzi, sila ay sinundan ko ng mga ilang metro din, sa kalagitnaan ng init ng araw.
Kakatuwa sila. Sana ganyan din ang mga tao sa kalsada, hindi nag-uunahan kundi nakapila. Hindi naggi-gitgitan kundi nagbibigayan. Ang saya sana ano?
Asa pa, lol!