Category Archives: Litratong Pinoy

Paalam Litratong Pinoy

Namaalam na ang isang blag na aking binabalik-balikan at pinupuntahan ng halos linggu-linggo mula pa noong 2008: LITRATONG PINOY

Katulad ng iba, sa ibang konteksto ng buhay, na nagsisisi dahil nagkaroon ng konting kapabayaan sa pagdaan ng mga panahon, ako’y “guilty” sa hindi pagsali sa ilang tema sa kadahilanang marami-rami akong gawaing-bahay lalo na kapag may pasok ang mga bata.

Anyway, salamat Litratong Pinoy, sa iyong mga tema, ako ay nakapagsulat ng mga artikulong salamin ng aking damdamin, kaisipan at mga saloobin.

Salamat Litratong Pinoy, nagkaroon ako ng mga kaibigan sa pagba-blog, kaibigang nakilala ko sa totoong buhay at mga kaibigan na sa hanggang ngayon ay sa virtual world ko lang nakakahalubilo.

Salamat Litratong Pinoy dahil ako ay napatawa, napaiyak, napamangha at nagkaroon ng mas maraming kaalaman at kamalayan sa iba’t ibang aspeto ng buhay Pilipino. Yan, ang mga Pinoy bloggers, nagsusulat ng mga kuro-kuro, mga karanasang makikinabang ang iba at mga sulating may katuturan.

Mabuhay kayo, hanggang sa muli 🙂

Aklat = Kalat

Dalawang linggo na ang nakaraan ng ako ay magsimulang maglinis ng aming library. Ayun, hanggang ngayon hindi ko pa naibalik ang mga babasahin. Sabi ng anak ko itapon o ipahingi na daw ang ibang aklat. Sabi ko naman, “Hindi ba ninyo
babasahin ang mga aklat ko?”
Books

Hindi ko matandaan ang kanyang sagot.

Madami akong aklat na nabasa. Madami din akong ebook na nabasa.

Sana ang mga kabataan ngayon matuto ding magbasa ng mga aklat.

Lalaki

Lalaki ang tema sa Litratong Pinoy para sa araw ng ito.

Ilang mga lalaking kasama sa Unilab Run United 1 2012 ang aming nakita nung kami ay pauwi na matapos sumali sa 3k run ng naturang takbuhan. Hindi ako sigurado kung ano ang category nila baka 21k kasi mukhang dilaw ang kanilang race bib.

Run United 1 2012

Narito ang aming kwento sa aming tila ba napakalayong tinakbong 3k category, haha!

Kandila at Dasal

Madaming kandila para sa mga panalangin:

votive candles

Marahil kung iisa-isahin natin ang mga panalangin ng bawat isang Pilipino, milyong-milyong kandila ang ating gagamitin. Ganun kadami dahil napakadami na natin.

Kandila at hiling sa post na ito.

Kulay Abo

May pagkakataong ang kulay abo ay tila hindi exciting. May pagkakataong ito naman ay tila ayos lang, depende sa mood ng tumitingin.

Para sa akin, ang kulay abo, lalo na kung titignan sa kalagayan ng panahon, ay katumbas ng tila malungkot, di maintindihan at nakaka-allergy attack na araw. Kung sa kasuotan naman, para sa akin, ito ay isang neutral color na pwede iterno kahit sa ano’ng kulay upang maging mas kaiga-igaya.

bridge

Sa pagkakataong ito, masasabi kong ang kulay abo ng tulay na daraanan ng mga malilit na bangka ay tamang-tama sa pag-blend sa kapaligiran.

Marahil kung ito ay makulay, magiging masakit sa mata. Kung berde naman, magmumukhang camouflage.

Parte ito ng Nayong Pilipino sa Clark, Pampanga kung saan nag-field trip ang aming bunso noong isang taon.