Category Archives: Litratong Pinoy

Swimming sa Pansol

Isa sa mga nakasanayang puntahan nating mga Pilipino para sa kasiyahan ay ang Pansol, lugar ng mainit na bukal pinainit na tubig.

Masarap lumangoy sa mainit na tubig, kakaibang pagre-relaks. Hindi lang ang paglangoy ang nagdudulot ng kasiyahan kungdi ang masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan at mga taong espesyal sa ating buhay.

Narito sa larawan ang aking unico hijo, masayang nakalubog sa mainit na tubig sa Pansol:

pansol

Saya ano? Kayo, I am sure meron kayong masayang alaala sa Pansol. Kung hindi pa, aba, eh punta na at nang maranasan ang “yakap” ng mainit na tubig 🙂

Dito Lang sa Pilipinas

Dito lang sa Pilipinas. Kanta yan ni Gary Granada, isa sa mga paborito kong kompositor at mang-aawit. Sana pakinggan nyo ang awit at ito ay tamang-tama sa panahong ito kahit matagal na yata itong naisulat.

But come to think of it, kahit matagal nang isyu itong vote buying, flying voters, dagdag-bawas, ballot box snatching at murder (ayon sa kanta), siyempre, hindi mawawala diyan ang kandidatong hindi natalo kundi dinaya, pati na din ang kandidatong nandaya kaya nanalo, hindi pa din ito naluluma.

Para bang parte na ito ng kultura natin and no matter how much we say we want changes and reforms (electoral reforms in this matter) parang walang nangyayari. Ganun na ba kalala ang kalagayang ito at ng mga sumangang sitwasyong kaakibat ng isyung ito?

Anyway, wag lang sana umabot sa ganito kapag sukdulang galit na ang mga tao:

bonifacio

Hindi, hindi ko po pinababalik si Gat Andres upang mamuno ng isang pag-aalsa 😉

Bakit kelangan pang mangyari yun kung aayusin na lang sana ang prosesong suntok sa buwan na maituturing?

pasensiya na po, medyo blurred, umaandar kasi nung ako ay kumuha ng larawan

Impossible Nga Ba?

Imposible ba ito? Alin sa mga ito ang imposible?

Ang magkaroon ng lugar upang malayang makapagalaro ang mga bata?

Ang maging ligtas ang mga bata sa kapahamakan?

Ang mga bata ay makapag-aral at magkaroon ng kasanayan upang matuto silang mamuhay para sa sarili at pamilya?

Imposible na bang mawala ang katiwalaan sa pamahalaan?

Imposible na bang maging mas masikap ang mga tao?

Imposible na bang ituluy-tuloy na paglaganap ng kapayapaan?

Kahit hindi kaya ng mga me sinumpaang tungkulin at ng mga nasa posisyon at may kakayahan nang pagpapatupad ng batas, magiging posible ito.

Paano?

kangkungan

Hindi bilang isang himala kungdi…

pagbabago na sisimulan natin sa ating sarili, kahit na sabihin pang gasgas na ang linyang ito.

Sinasabi ng iba na tila daw tayo ay pupulutin na sa kangkungan, dahil isang basket case na ang ating bansa. Pero, kung titingnan mabuti ang larawan, kahit pala sa kangkungan, me kakaibang ganda pa din basta pagsisikapang lilinisin, hindi ba?

(wala pong photoshop na nangyari kundi crop, resize, blur para sa text at text lang)

Ano Kaya ang Pangarap Nila?

Ano nga ba ang pangarap ko? Noon, marami akong pangarap para sa aking sarili. Makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na hanapbuhay, masayang pamilya, mabait na asawa at mga anak. Natupad naman yun. Hindi man kami mayaman, ayos lang, magsisikap na lang ng todo para sa pamilya, at yan ang pangarap ko sa ngayon.

Masarap mangarap.

Ito ang nagiging basehan ng lahat ng mga ginagawa at gagawin para sa katuparan nito. Maaaring kung minsan pinagtatawanan tayo ng iba dahil mataas daw ang lipad ng ating pangarap at baka bumagsak mula sa tore ng panaginip. Hindi na lang ito dapat alintana dahil dapat alam mo kung ano ang iyong kakayahan at kahinaan.

Pero sila, ano kaya ang pangarap nila?

streetchildren

Ang makahanap ng makakain bago matapos ang araw?

Ang makahiga sa malambot na kutson?

Ang magkaroon ng tsinelas o salawal?

Ano kaya ang pangarap nila?

Ikaw, may kasama bang ibang tao na hindi mo kapamilya sa mga pangarap mo?

Anawim Lay Missions Foundation

What is you mission in life? What is the purpose of all your hard work and sacrifices? Yes, all this is for your family but do you have something for those who have less in life?

Ano ang misyon mo sa buhay? Para saan ang mga pinaghihirapan mo? Oo nga at para sa pamilya ito, pero me maitutulong ka din ba sa mga kapus-palad?

lola toyang

This is Lola Toyang, one of the golden ladies living in a community for the elderly. She tells a story of an adopted daughter who abandoned her. She tells of stories about Liverpool and living the high life when she was younger. Behind her is another Lola. Beside them are care giver course students having their in-house training.

Yun si Lola Toyang isa sa mga nakatira sa isang komunidad para sa mga inabandonang matatanda. Ang kwento niya ay siya ay may ampong babae na iniwan siya. Siya din daw ay tumira sa Liverpool at nagkaroon ng pamosong pamumuhay noong bata pa siya. Sa likod niya ay isang lola din. Sa tabi nila ay mga mag-aaral ng care giving course na nagte-training.

Where can they be found? Dito sa Anawim Lay Missions Foundation, Inc., sa Rodriguez, Rizal.

anawim

Napunta kami dito minsan para sa isang outreach program ng aming mga homeschooling children.