Category Archives: Photos

Lalaki

Lalaki ang tema sa Litratong Pinoy para sa araw ng ito.

Ilang mga lalaking kasama sa Unilab Run United 1 2012 ang aming nakita nung kami ay pauwi na matapos sumali sa 3k run ng naturang takbuhan. Hindi ako sigurado kung ano ang category nila baka 21k kasi mukhang dilaw ang kanilang race bib.

Run United 1 2012

Narito ang aming kwento sa aming tila ba napakalayong tinakbong 3k category, haha!

Tanned

Summer is here! Though we have been experiencing an allergy-inducing few days this week because of the drizzles and cloudy weather, summer is definitely here. The neighborhood pool almost always has people swimming. I’ve been seeing tanned skin these days and I think the tan is more from beach bumming than spray on tan.

Run United 1 2012

We spotted these guys who are running in a run we went to last week. We were on our way home because we only participated in the 3k category and I think these guys are from the 21k. They look tanned,  right? I hope they put on sun block before they ran.

Kandila at Dasal

Madaming kandila para sa mga panalangin:

votive candles

Marahil kung iisa-isahin natin ang mga panalangin ng bawat isang Pilipino, milyong-milyong kandila ang ating gagamitin. Ganun kadami dahil napakadami na natin.

Kandila at hiling sa post na ito.

Kulay Abo

May pagkakataong ang kulay abo ay tila hindi exciting. May pagkakataong ito naman ay tila ayos lang, depende sa mood ng tumitingin.

Para sa akin, ang kulay abo, lalo na kung titignan sa kalagayan ng panahon, ay katumbas ng tila malungkot, di maintindihan at nakaka-allergy attack na araw. Kung sa kasuotan naman, para sa akin, ito ay isang neutral color na pwede iterno kahit sa ano’ng kulay upang maging mas kaiga-igaya.

bridge

Sa pagkakataong ito, masasabi kong ang kulay abo ng tulay na daraanan ng mga malilit na bangka ay tamang-tama sa pag-blend sa kapaligiran.

Marahil kung ito ay makulay, magiging masakit sa mata. Kung berde naman, magmumukhang camouflage.

Parte ito ng Nayong Pilipino sa Clark, Pampanga kung saan nag-field trip ang aming bunso noong isang taon.

Pagmamahal

hearts

Para sa dalawang pusong nagmamahalan, hindi maiaalis ang kagustuhang magkasama ng madalas. Mayroon din namang pagkakataon na kailangang magkaroon ng “space” upang may “room for growth” na kalaunan din ay lalo magpapabuti ang relasyon at pagsasama. Hindi dahil may pinag-ayawan kundi para may maituro at may matutunan sa isa’t isa.

Huwag lang patagalin at palawakin ang space ha, 😀

Photo taken by Lucky Charms.