Category Archives: Photos

Food Photomemes

I love joining photo memes because I have tons of photos to share.

Two photomemes on food that I try to religiously join are Food Friday and Lasang Pinoy Sundays.

Sometimes just by looking at the food photo entries make me want to get some diet pills for myself, teehee!

I am no whiz in the kitchen. I am a struggling cook who wants to serve not just delicious but nutritious food to my family.

So now, I’m off to the kitchen to start that lunch 🙂

Tuyot na Tag-Init

Tuyo, dry.

Ang summer o tag-araw ay panahon ng tagtuyo. Ang tagtuyo ay ramdam hindi lamang sa pagkawala o kakulangan ng tubig sa ating mga tahanan.

Ito ay nakikita sa tuyong kabukiran na dapat sana ay pangunahing pinagkukunan ng pagkain. Dahil sa pagkatuyot, karamihan ng mga bukirin ay tila ba mga walang silbing nakatiwangwang na lupain animo inabuso at inubusan ng lakas.

zambales

Hindi lang ang ating mga bukirin ang dumaranas ng tagtuyo. Lalo na ang ating mga kabundukan, tila ba ang mga ito ay dumaan sa napakaraming abuso at wala ng buhay at luntiang kulay na maibigay.

Ang pondong para sana sa irigasyon o patubig ay hindi umaabot para sa mga dapat makinabang nito.

Dumaan ang napakaraming bagyong nagdulot ng pagbaba at pagguho ng lupa na ikinasawi ng libo-libo nating mga kababayan.

Sayang na buhay, sila ay walang kalaban-laban sa hagupit at lupit ng kalamidad na dapat sana ay naiwasan kung hindi sa kasakiman ng ilang mga indibidwal.

Ang bundok ay kalbo, ang maitim na bahagi ay hindi mga puno kundi anino ng ulap sa nasa langit. Ang bukirin ay walang tanim dahil walang senyales na meron patubig dito.

Swimming sa Pansol

Isa sa mga nakasanayang puntahan nating mga Pilipino para sa kasiyahan ay ang Pansol, lugar ng mainit na bukal pinainit na tubig.

Masarap lumangoy sa mainit na tubig, kakaibang pagre-relaks. Hindi lang ang paglangoy ang nagdudulot ng kasiyahan kungdi ang masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan at mga taong espesyal sa ating buhay.

Narito sa larawan ang aking unico hijo, masayang nakalubog sa mainit na tubig sa Pansol:

pansol

Saya ano? Kayo, I am sure meron kayong masayang alaala sa Pansol. Kung hindi pa, aba, eh punta na at nang maranasan ang “yakap” ng mainit na tubig 🙂

Dito Lang sa Pilipinas

Dito lang sa Pilipinas. Kanta yan ni Gary Granada, isa sa mga paborito kong kompositor at mang-aawit. Sana pakinggan nyo ang awit at ito ay tamang-tama sa panahong ito kahit matagal na yata itong naisulat.

But come to think of it, kahit matagal nang isyu itong vote buying, flying voters, dagdag-bawas, ballot box snatching at murder (ayon sa kanta), siyempre, hindi mawawala diyan ang kandidatong hindi natalo kundi dinaya, pati na din ang kandidatong nandaya kaya nanalo, hindi pa din ito naluluma.

Para bang parte na ito ng kultura natin and no matter how much we say we want changes and reforms (electoral reforms in this matter) parang walang nangyayari. Ganun na ba kalala ang kalagayang ito at ng mga sumangang sitwasyong kaakibat ng isyung ito?

Anyway, wag lang sana umabot sa ganito kapag sukdulang galit na ang mga tao:

bonifacio

Hindi, hindi ko po pinababalik si Gat Andres upang mamuno ng isang pag-aalsa 😉

Bakit kelangan pang mangyari yun kung aayusin na lang sana ang prosesong suntok sa buwan na maituturing?

pasensiya na po, medyo blurred, umaandar kasi nung ako ay kumuha ng larawan

Impossible Nga Ba?

Imposible ba ito? Alin sa mga ito ang imposible?

Ang magkaroon ng lugar upang malayang makapagalaro ang mga bata?

Ang maging ligtas ang mga bata sa kapahamakan?

Ang mga bata ay makapag-aral at magkaroon ng kasanayan upang matuto silang mamuhay para sa sarili at pamilya?

Imposible na bang mawala ang katiwalaan sa pamahalaan?

Imposible na bang maging mas masikap ang mga tao?

Imposible na bang ituluy-tuloy na paglaganap ng kapayapaan?

Kahit hindi kaya ng mga me sinumpaang tungkulin at ng mga nasa posisyon at may kakayahan nang pagpapatupad ng batas, magiging posible ito.

Paano?

kangkungan

Hindi bilang isang himala kungdi…

pagbabago na sisimulan natin sa ating sarili, kahit na sabihin pang gasgas na ang linyang ito.

Sinasabi ng iba na tila daw tayo ay pupulutin na sa kangkungan, dahil isang basket case na ang ating bansa. Pero, kung titingnan mabuti ang larawan, kahit pala sa kangkungan, me kakaibang ganda pa din basta pagsisikapang lilinisin, hindi ba?

(wala pong photoshop na nangyari kundi crop, resize, blur para sa text at text lang)