Tag Archives: Photos

Megatent National Bookstore School Supplies Relief Packing

litratongpinoy

Masinop.

Ang salitang masinop ang napaka-flexible at maaaring gamitin sa iba’t-ibang konteksto.

Mahirap mag-volunteer sa gawaing pag-impake ng mga relief goods, dahil sa ganitong gawain, gaya ng nakikita ko sa telebisyon, wala kang choice sa kondisyon at wala ka din bayad. Ngunit nung kaming mga mommy bloggers, sina Jane, Chats, Cookie, Salen at ako ay nagpasiya na sumama sa pag-impake ng mga school supplies mula sa National Bookstore mula sa Megatent (malapit sa DepEd sa Pasig), hindi naman pala gaano kahirap.

Marahil dahil ito ay bukas sa aming puso. Marahil dahil kung kami ay magkakasama, kami ay likas na masayahin at palatawa kaya nakaka-gaan sa trabaho.

Anyway…

Ang pagiging masinop ay aking ilalarawan sa aming ginawang pagtulong sa pag-impake ng mga school supplies para sa mga batang apektado ng dalawang delubyong dumaan sa ating bansa.

Ayan, mga notebook, papel, lapis at bolpen na ilalagay sa mga plastik. Kelangan masinop ang paglagay para hindi nakikita ang presyo ng notebook sa likod nito at dapat nakaayos din ang tali ng notebook para di masunog kapag sinelyuhan na ang mga ito.

Kelangan din masinop ang sistema upang mapadali ang pagtrabaho, tipong nasa assembly line.

Sa susunod na linggo, kelangan pa din nila ng volunteers ulit para sa pag-impake ng mga gamit na may kasamang mga bag.

Punta lang kayo sa Megatent, malapit sa DepEd sa Pasig, NBS Foundation people will be at Megatent from Tues-Fri next week, 3pm to 12MN.

Daig ng Maagap ang Masipag

litratongpinoy

EDSA at 8am

Ang kasabihan ng mga matatanda, “daig ng maagap ang masipag”.

Hindi ko alam kung ito ang English version ng “the early bird gets the worm”, hehehe, ano sa palagay ninyo?

Tama din naman yang kasabihan pero dapat ito ay may kaakibat ding kasipagan.

Ayan, maagap sana kami, maaga umalis ngunit ganun din pala ang nasa isip ng karamihan kaya yan, nagdulot ng trapiko.

Sabagay di na bago itong ganitong karanasan, manhid na yata tayo sa trapiko.

Nga pala, kita niyo yung smog? Sana maagapan ang problemang iyan na nagdududlot ng sakit.

Makabagong Palengke

litratongpinoy

Ang palengke. Bow.

Ilalagay ko sana ang larawan ng talipapa pero nagbago ang isip ko kaya ito na lang, isang makabagong palengke na tinatawag na “MALL”

makabagong palengke

Sa palagay ko maraming hindi na nakatutuntong sa mga maputik, madulas, mabaho at maingay na palengke ang karamihan sa atin.

Oo nga at mainam mamili sa mga aircon na pamilihan, nakakawili sa dami ng makikita, di pa mainit, maputik at mabaho.

Pero ano nga ba ang epekto nito sa mga maliliit na negosyo? Karamihan sa kanila, nagsasara na dahil lugi na. Paano naman, wala na gusto mamili sa kanila, at karamihan, doon na sa supermarket mamimili.

Akala ko noong una, sa lalawigan lang nangyayari yan. Aba, sa takbo ng mga pangyayari, bawat kanto yata meron nang tindahang “We’ve got it all for you”. So, saan  ka pa?

Food Photomemes

I love joining photo memes because I have tons of photos to share.

Two photomemes on food that I try to religiously join are Food Friday and Lasang Pinoy Sundays.

Sometimes just by looking at the food photo entries make me want to get some diet pills for myself, teehee!

I am no whiz in the kitchen. I am a struggling cook who wants to serve not just delicious but nutritious food to my family.

So now, I’m off to the kitchen to start that lunch 🙂

Swimming sa Pansol

Isa sa mga nakasanayang puntahan nating mga Pilipino para sa kasiyahan ay ang Pansol, lugar ng mainit na bukal pinainit na tubig.

Masarap lumangoy sa mainit na tubig, kakaibang pagre-relaks. Hindi lang ang paglangoy ang nagdudulot ng kasiyahan kungdi ang masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan at mga taong espesyal sa ating buhay.

Narito sa larawan ang aking unico hijo, masayang nakalubog sa mainit na tubig sa Pansol:

pansol

Saya ano? Kayo, I am sure meron kayong masayang alaala sa Pansol. Kung hindi pa, aba, eh punta na at nang maranasan ang “yakap” ng mainit na tubig 🙂