Category Archives: Litratong Pinoy

Tatay of my Children

litratongpinoy2.gif

Tatay ang tawag ng mga anak ko sa kanilang ama, ang aking butihing asawa. Mabait siya sa mga bata, maasikaso, malambing at mapagbigay (nang-i-spoil kumbaga) ngunit siya din ay nagagalit sa kanila ngunit bihira ito mangyari kasi ako ang me papel nun, hehe.

Tatay (Filipino term for Daddy) is what my children call their father, my loving husband. He is good to the children, he does things for them, he is sweet to them and he spoils has the tendency to allow them to do what they want but he seldom gets angry at them because that is my domain, lol!

img_0907c.jpg

Mas gusto niyang mamasyal na malapit sa nature kesa pumunta sa mga malls.

As much as possible, he would rather go for nature walks or nature tripping than go malling.

Para naman sa aking sariling Tatay, meron akong isinulat dito. Puwede din kayong sumali dito sa pagsusulat na ito, kung me oras kayo.

For my father, I wrote something here about him. You can join me as I write posts, if you still have spare time.

For other Litratong Pinoy entries, click here.

Kalayaan – Freedom

litratongpinoy1.gif

Ang tema para sa linggong ito ay KALAYAAN. Meron na akong isinulat na ganito sa aking TeacherJulie.com blag, isang maikling pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng ating bansa. Kung maaari po lamang ay paki-click na lang ang link, maraming salamat po.

The theme for this week is KALAYAAN or FREEDOM. I have already written about this theme here in my TeacherJulie.com blog, a short hindsight about the history of our country. Please click this link that has a lot of photos and short snippets of history, thank you very much.

Para sa akin, ang kalayaan ay isang kaisipan. Isang sitwasyon na ang tao mismo ang siyang magde-desisyon mismo sa sarili niya kung siya ba ay tunay na malaya.

For me, freedom is a mindset. It is a situation where the person himself will decide if he is truly free.

img_1365c.jpg

Napakaraming klase ng tanikala na humahadlang sa ating mga Pilipino upang makamit ang kalayaan: katiwalian, kahirapan, krimen, droga, at mga iba pang kamaliang nakapagpapababa ng tingin natin sa ating sarili, sa ating pagka-Filipino, sa ating bansa. Me dignidad pa ba tayo bilang isang bansa?

There are so many chains that deter us from achieving the freedom that we would like to attain: corruption, poverty, crime, drug abuse and other misdeeds that make us feel weak and inferior within ourselves, with being Filipinos, and inferior as a nation. Do we still have our dignity as a nation?


img_0910c.jpg

Pati nga ang Araw ng Kalayaan, hindi na iginalang ng ating pamahalaan, ano pa ang aasahan nilang paggalang mula sa mga mamamayan? Ngayon po, Hunyo 12, ang ARAW NG KALAYAAN, hindi noong isang araw. Pati mga bata, nalilito tuloy.

The Independence Day commemoration was not respected by this government, so how would this country expect its citizens to respect this important day in out history? Today, June 12 is our INDEPENDENCE DAY, not the other day. Even the children are confused.

Pilipinas, saan tayo patutungo?

Pag-iisang Dibdib

litratongpinoy.gif

Ang pag-iisang dibdib ay hindi biro. Sa gastos pa lang, baka magdalawang isip na ang mga ikakasal. Nakapokus ang mga taong ikakasal sa kanilang mga kailangang ihanda at gawin para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Getting married is not a laughing matter. Just considering the expenses would make the would-be couple think twice. The couple who will soon tie the knot are focused on the things they have to prepare for their wedding ceremony.

img_3845b.jpg

Handa na ba ang mga bulaklak?

Are the bouquet of flowers ready?

img_2296b.jpg

Napili na ba ang simbahan?

Has the church been chosen?

Read more »

Ihip ng Hangin

litratongpinoy3.gif

img_1129d.jpg

Dito sa Pilipinas, mainam magpalipad ng saranggola kapag Pebrero.

Here in the Philippines, it is great to fly kites during February.

img_1620b.jpg

Dito sa taas na Shell Flower Terraces sa La Mesa Eco Park, napakalamig ng hangin.

Here on top of the Shell Flower Terraces at the Le Mesa Eco Park, the air is so cool. Read here about my picnic with other mommy bloggers.

You can find other Litratong Pinoy entries here.

Walang Tubig. No Water.

 

litratongpinoy2.gif

This, more often than not, is how the ONLY functioning faucet in our home looks like. No, the other faucets (we have 7 more) are not in need of replacements. To even say that only that faucet outside, in front of the front door is the ONLY ONE where water comes out probably does not begin to describe how much we value this precious commodity.

The water system where we live is so pathetic we only have water at the most five times a week, for a few hours in the morning and another few hours in the afternoon, from 2pm till around 8pm.Yeah, we arrive home from work around 8:30pm, sometimes even later. That silver thing on the bottom right? That is a big basin which we use to catch the water to be transferred in the bathrooms, big container for washing the plates and a bigger container as a water reservoir (yeah right).

 

img_1538b.jpg

Tubig, aming tubig
Ang tulo mo’y sing-dalang
Ng patak ng luha o
Kaya naman sing-hina ng ihi ng bata.

 

Ano ba talaga
Ang iyong problema,
Di alintana,
Kung nakaligo na o hindi pa.

 

Yaring mga sahig,
Nanlilimahid na,
At ang aso nama’y
nanganamoy na.

 

Totoo po ito,
Ilang beses sa isang lingo,
Ang pagtulo ng aming gripo.

 

Konting oras sa umaga at
Konting oras sa gabi.
Sa labas na lamang,
Wala na sa loob.